Chapter 56: The Ruthless One

33.6K 1.4K 82
                                    


Chapter 56: The Ruthless One


Are they telling the truth when they say that, being heartless means being strong? Because no one could harm you, and you could avoid being the victim.

And now, I don't want to be the victim anymore.

Hindi ko na kailangan ng susi. I could do it on my own.

Sinusubukang sipatin ng iba kung nakanino ang susi nila. But unlike them, I didn't bother to find it.

Unti-unting lumabas sa palad ko ang mga vines, gumapang iyon paaakyat sa kadenang nakakabit sa akin.

Napangisi na lang ako.

Ramdam ko ang unti-unting pagbaba ng kadena habang umaandar ang oras, pero hindi ko iyon binigyang pansin.

Kahit ang iba ay nakikita ko ng ginagamit ang mga kakayahan nila para makawala sa kadena.

But wrong move.

Mabilis na bumulusok pabagsak ang isa nang makawala siya at tuluyang natuhog ang kaniyang katawan sa ibaba.

Napailing na lang ako sa isip ko at nagfocus sa ginagawa ko. Nagningas uli ang mga mata ko at naramdaman ang paggapang naman ng yelo sa braso ko paakyat sa kadena.

Dahil doon ay napatigil iyon sa pagbaba, dahil sa paninigas ng yelo.

Perfect.

Ngayon, pwede na akong kumawala ng hindi nahuhulog.

Buong lakas kong winasak ang kadena na nakakabit sa akin na ikinagulat ng lahat ng kasama ko.

They expected me to fall, just like the first one that attempted to break through.

But I didn't.

I'm not that stupid.

Dahil nang makawala ang kadena ko ay nandoon parin ang matibay na vines na ginawa ko kanina.

Walang hirap akong nakaakyat paitaas at nakasampa sa platform na nasa tuktok.

Tinignan ko ang iba pang nasa ibaba at napangisi.

No one will survive this stage, but me.

Pinanood ko kung paano sila bumagsak sa kamatayan lahat. Rinig ko ang huli nilang sigaw at palahaw.

Tanging ako lang ang nakaligtas.

Napalingon na lang ako nang bumukas isa pa lang pinto sa likuran ko, kasabay ng muling pagbagsag ng katahimikan ng speaker.

"Now, now! That was an amazing show! I couldn't believe only one survived in this section of first stage! Now, for you, congratulations! You're now an official contestant of Venour Tournament. Go through that door right now, and the second stage will begin immediately."

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at naglakad papasok sa pintuang iyon.

And I mean it, when I say that this whole place is sickly annoying.

Para nanaman akong nasa ibang lugar. Nang sumara ang pinto sa likuran ko ay hindi ko na uli iyong nakita, nagmistula na lang iyong pader.

"Xhiena Corpuz of Vampire High, the last member proceeded," isang mechanical voice na muli ang narinig ko sa speaker na hindi ko mahulaan kung nasaan.

Last member..ibig sabihin, nakapasok ang buong grupo sa stage two.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at kitang-kita ko ang mga nagtatayugang mga punong-kahoy.

Nasa labas na ako.

Hindi ko rin masabi kung umaga, hapon o gabi na.

Pero sa pag-aagaw ng liwanag at dilim, naiisip ko na baka nagtatakip-silim na.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon