Chapter 13: His Blood Source

33.2K 1.2K 211
                                        


Chapter 13: His Blood Source

Hindi ko alam kung paano ko nagawa 'yun. Basta namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasubsob na sa malapad na dibdib ni Zynon habang mariing nakapikit ang mga mata ko at hinihingal.

What have I done?!

"Sorry..sorry..." paulit-ulit kong usal sa kay Zynon. Nasaktan ko siya, hindi ba? Ang sama-sama ko, isa akong halimaw!

"Don't bother." narinig kong muli 'yung malamig na boses niya saka niya ako hinawakan sa magkabilang balikat at inilayo mula sa kaniya.

Tinignan ko siya at mukha namang okay siya, tapos napatingin uli ako doon sa leeg niya. Mayroong dalawang bakas doon dahil sa ginawa ko.

"S-sorry.." sabi kong muli.

"From now on, expect a lot of changes from you." pagkasabi niya nun ay inayos niya 'yung damit niya habang ako ay nanatiling nakayuko.

Hindi ko parin alam kung paano dapat ako magre-react dahil sa ginawa ko kanina.

"I'll tell Nurse Charm." sabi niya at nagsimula ng maglakad papunta sa pintuan.

"Zynon.." tawag ko sa kaniya, kaya naman napahinto siya pero hindi siya nag-aksayang lingunin ako.

"Sa-salamat.."

Tapos umalis na siya ng tuluyan.

Naiwan akong mag-isa doon at napatingin ako sa mga binti ko, nararamdaman ko na uli sila at para akong nabigyan ng lakas.

Pero alam ko, simula ngayon. Magbabago na ang buhay ko.

Kinaumagahan ay pinayagan na ako ni Nurse Charm para lumabas sa school clinic at bumalik sa dormitories. Noong una ay hindi ko pa alam kung paano siya haharapin. Pero nginitian na lang niya ako at binigyan ng assurance na magiging okay na ako.

Pagkabalik na pagkabalik ko sa kwarto ko ay kaagad akong nahiga sa kama, na-miss ko iyon. Mas komportable kasi ako rito kaysa sa clinic. At isa pa, makakapasok na rin ako ulit. Makakasama ko na uli 'yung kambal. Iyon naman ang mahalaga.

Nang araw din iyon ay nag-ayos na ako para pumasok. Lumabas na ako ng dormitories at papunta na sana sa South Wing nang makita ko ang isang lalaki sa may gubat na nakahandusay.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Pa-patay na ba siya?!

Pinilit ko ang sarili kong humakbang papalapit sa kaniya habang sobra ang kabang nararamdaman ko. Ghad, nakakita lang naman ako ng patay!

Nang makalapit ako ay nakita ko ang isang guwapong lalaking may kulay abong buhok, nakasuot din siya ng uniform na panlalaki ng school, ibig sabihin, estudyante rin siya.

Napalunok naman ako at nag-squat sa tabi niya, tsaka dahan-dahang inilapit ko 'yung hintuturo ko at pinindot siya sa pisngi.

Napasigaw na lang ako sa gulat nang bigla siyang magmulat ng mata. "Oh my gosh, nabuhay 'yung patay!!" sigaw ko at napalayo sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya at kaagad na napaupo mula sa pagkakatayo bago ako tinignan.

"Bakit ba ang ingay mo?" tanong niya. "Ngayon ka lang ba nakakita ng natutulog?"

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon