Chapter 36: A Night Fire

24K 953 68
                                    

Chapter 36: A Night Fire

Isang batang babaeng ang makikita sa repleksyon ng isang salamin. Malapad ang ngiti niya, habang sa likuran naman niya ay ang isa pang babaeng ubod ng ganda na nagsusuklay sa mahaba niyang buhok.

"Mama, paglaki ko po ba magiging kasing ganda niyo ako?" nakangiting nilingon ng batang babae iyong tinawag niyang mama kaya bahagya itong napatigil mula sa pagsusuklay sa buhok niya saka siya sinuklian ng ngiti.

"Oo naman. Paglaki mo, mas maganda ka pa sa akin," sagot ng mama niya.

"Talaga po, mama?! Gusto ko ng lumaki! Gusto ko na pong maging mas maganda!" masigla ang boses ng bata ng sabihin niya iyon dahilan para mapatawa ang mama niya.

"Huwag kang magmadali, darating din ang panahon na iyon, Kezia."

Napatango-tango na lang ang bata.

Natigilan na lang sila nang makarinig ng ingay mula sa labas.

Kaagad na nabalot ng takot ang mukha ng batang babae, "M-mama! Ano pong nangyayari?"

Binuhat naman siya ng mama niya na bakas na rin ang pag-aalala sa mukha.

"M-mama!"

"Huwag kang mag-alala, anak. Ililigtas ka ni mama. Magiging ligtas ka." pilit ang ngiting binigay ng mama niya sa kaniya, kasabay ng paglabas nila sa silid na kinaroroonan nila.

Napatigil na lang sila nang sumalubong sa kanila ang malaking apoy, dahilan para mapaiyak ang batang babae sa takot.

"M-mama..mama, natatakot ako.." humigpit ang naging pagyakap sa kaniya ng mama niya.

"Huwag kang mag-alala, magiging ligtas ka, Kezia. Makinig ka sa akin, kahit anong mangyari. Mahal na mahal ka ni mama. Palagi mo iyang tatandaan.."

Dahil doon mas napaluha na lang ang batang babae, "Mahal din kita, mama."

Mas lumakas pa iyong apoy at nagpatuloy pa iyong lumaki. Hanggang sa ang tanging narinig na lang ay ang malakas na hiyaw ng batang babae.

"Mama!!!"

Napasigaw ako at ramdam ko ring pinagpapawisan ako.

Napatayo ako mula sa kama at napalaki na lang ang mata ko nang makita ang kinaroroonan ko na nababalot ng apoy, at iyong dalawa kong kamay ay nababalot din ng apoy pero hindi ako nasusunog.


A-anong nangyayari?!

Nanaginip lang ako, hindi ba?

Mabilis kong ipinagpag ang kamay ko at nawala iyong apoy na bumabalot doon kaya napahinga ako ng maluwag.

Tinignan ko pa uli ang paligid at nahihinuha ko na nasa infirmary ako. Pero, ano ba talagang nangyayari?!

Sa pagkakatanda ko, may duel kami ni Gwen tapos sumuko siya. Then...wala na. Wala na akong maalala! Ghaaad! Ano na?

Muntik na akong atakihin sa puso nang bumagsak iyong mistulang pinto ng infirmary at iniluwa nun sila Luigi at Anice.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon