Chapter 14: The Book of Destined
"Teka Zynon, saan tayo pupunta?" tanong ko habang hila-hila niya ako at dumadaan kami sa hallway.
Halos magtinginan ang lahat sa amin, at gustong-gusto ko na talagang lumubog sa lupa ngayon dahil sa hiya.
Naririnig ko pa ang bulung-bulungan nila tungkol sa amin ni Zynon kaya pinilit ko na lang ang sarili kong magbingi-bingihan at napayuko.
Napaangat na lang 'yung ulo ko nang maramdaman ko na tumigil na sa paghila sa akin si Zynon.
Tinignan ko 'yung paligid at mukhang nasa likod kami ng building. Walang tao. Kaming dalawa lang. Napalunok na lang ako at napaatras pero agad kong naramdaman yung magaspang na pader.
Wrong move, Xhiena.
"Why are you acting so scared? Have you already forgotten about the blood contract?" tanong niya kaya agad naman akong napailing.
"Hi-hindi no! Bakit ko naman 'yon makakalimutan?" sabi ko at pilit na ngumiti.
"Then, we're good." pagkasabi niya nun ay naglakad siya papalapit sa akin kaya pilit kong sinisiksik 'yung sarili ko sa pader. Fudge!
Nang ilang inch na lang ang layo niya sa akin at nararamdaman ko na ang mainit na hininga niya sa pisngi ko ay agad na akong napapikit.
Naikuyom ko 'yung mga kamay ko at para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Tapos naramdaman kong lumayo siya sa akin kaya kaagad akong napadilat ng mata. Tinignan ko siya habang nakatitig lang sa akin.
"Are you a stone?"
"H-huh?!"
"You're so tense." sabi niya kaya bigla namang nag-init ang pisngi ko.
Duh, paano naman ako hindi mate-tense, ang gwapo mo tapos sobrang lapit mo pa sa akin?!
Gusto ko sanang sabihin 'yun sa harap ng mukha niya pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko.
Tapos nakita ko na lang na inilihis niya 'yung damit niya sa balikat gaya ng dati.
"Now, go first." sabi niya.
"Wait, di ba dapat ikaw muna—"
"We're in the same contract, so anyone could go first." sabi pa niya, "Now, go on."
Napalunok naman ako at napahinga ng malalim, habang nakatingin sa leeg niya. His neck looks really sexy. Sobrang puti at 'yung adam's apple niya, bahagya pa 'yung umaalon.
Nanuyo tuloy ng tuluyan ang lalamunan ko. Napabuga na lang ako ng hangin at lumapit na sa kaniya. Bahala na.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at bahagyang tumingkayad. Kaagad kong nasamyo ang amoy ng dugo niya, dahilan para magsilabasan ang mga pangil ko.
Hindi parin ako makapaniwala na mayroon akong pangil pero, siya lang ang nakakapagpalabas nun. Hanggang sa namalayan ko na lang uli ang sarili kong iniinom nanaman ang dugo niya.
Para akong mababaliw habang iniinom ang dugo niya, sobrang nakakaadik.
Tapos naramdaman kong hinawi ni Zynon ang ilang hibla ng buhok ko at bahagyang itinagilid ang leeg ko. Then I felt his heated fangs slowly dugging on my neck.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya at naramdaman ko ang pagsandal ni Zynon sa katawan ko sa pader. He wrapped my legs on his waist and deepen his fangs on my neck.
Dahil sa ginawa niya ay mas lalo akong nanabik sa dugo niya at mas inilapit ko pa ang katawan ko sa kaniya.
We're both sucking each other's blood at the same time. And I can feel like there's a fire that slowly building between us. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, habang tumatagal ay para na akong nawawala sa sarili. And I can't stop sucking his blood.
BINABASA MO ANG
Vampire High
FantasyXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
