Chapter 32: Sunrise Touch
Ilang segundo rin kaming binalot ng katahimikan bago tumayo ng muli si Anice saka sinimulang gisingin si Luigi.
Napabuntong hininga na lang siya nang kahit anong gawin niya ay hindi niya ito magising.
"Ang lalaking ito talaga, kung saan-saan natutulog." naasar na sabi niya at napapapatawa na lang ako nang sa huli ay halos kaladkarin na ni Anice si Luigi palabas ng kwarto habang hawak-hawak ang tainga niya.
"Magpahinga ka na, Xhiena. Bukas na ang umpisa ng training mo." sabi pa ni Anice bago sila makalabas.
"Training?"
"Makikita mo rin bukas."
Nang sumara ang pinto ay narinig ko pa ang malakas na boses ni Luigi.
"Anong bang ginagawa mo sa akin, Anice?! Teka, nasaan si Xhiena? Kakausapin ko pa siya—"
"Manahimik ka na lang, Luigi. May iniutos pa sa atin si Professor George, hindi ba? Tara na."
Narinig ko na lang ang papaalis na yapak nila hanggang sa tumahimik na sa labas.
Napabuntong hininga naman ako at napahiga sa malambot na kama.
Iba nanamang kwarto, iba nanamang style ng buhay dito sa Vampire High. Bakit ba ang gulo yata ng buhay ko?
Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa naiisip ko at tinitigan ang kisame na gawa sa salamin, kaya kita ko ang langit na madilim parin.
Wala man lang bituin.
Napabuntong hinga ako at napapikit.
Mama, nandito na po ako ngayon sa Vampire High gaya ng hiling niyo, pero gusto kong paring malaman kung ano ba talaga ang tunay kong pagkatao. Sino ba talaga ako? Ano pa ba ang mga kaya kong gawin?
Dahil sa kakaisip ko, ay hindi ko na namalayan pa na unti-unti na akong hinihila ng antok.
Nagising lang ako nang may kumalabog sa labas.
Mabilis akong napabalikwas sa kama at napatingin sa paligid.
Nasa North Wing nga pala ako.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at napatingin sa orasan na nasa pader ng kuwarto.
Madaling araw pa lang at madilim pa sa labas.
Napatingin naman kaagad ako uli sa pinto nang may makarinig uli akong ingay.
Ano ba iyon?
Naglakad ako papalapit sa pinto at akmang pipihitin ko na ang doorknob nang muli akong mapatigil.
"Zynon.."
Si Gwen?
"What do you need?" napalunok ako nang marinig ang malamig na boses ni Zynon.
"Nakita kita." rinig ko ang inis sa boses ni Gwen.
"What?"
"Huwag ka ng magmaang-maangan, Zynon! I saw you! Muntik mo na ring sugurin si Luigi nang aatakihin na niya si Xhiena. Kung hindi pa nakialam si Anice—"
Napahigpit ang hawak ko sa doorknob.
"Matulog ka na."
"Zynon?! Ano ba talagang ginagawa mo—"
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
