Chapter 64: Reunite
Maingat akong binuhat ni Zynon pero ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Nanghihina na rin siya.
Mas binalot ako ng kaba nang makita ko na nandoon parin ang itim na tinta sa pisngi niya. Nandoon parin ang sumpa.
"Z-Zynon.." tinawag ko ang pangalan niya nang magsimula na siyang maglakad kaya sandali niya akong tinignan.
"H-hindi ka pa rin magaling. Iyong sumpa—"
"Huwag mo na akong alalahanin, Xhiena. Ayos lang ako. We neet to get out of here," seryosong sabi niya at pinagpatuloy ang paglalakad pero kitang-kita ko na nahihirapan na siya kaya hindi ko mapigilang mapaluha.
Unti-unti ng nagliliwanag ang kalangitan, pero ramdam ko parin ang panunuot ng malamig na hangin sa balat ko.
"Zynon.." tawag ko uli sa kaniya at naramdaman ko na napatigil siya. Napaubo siya at nakita ko na may kasama iyong dugo.
"A-ayos lang ako," sabi niya pero napailing ako.
"Hindi. Hindi ka maayos. Uminom ka ng dugo ko. Inumin mo na ang dugo ko, Zynon. Pakiusap. Kailangan mong gumaling."
"Hindi pupwede, Xhiena. Marami ng dugo ang nawala sa'yo. Kapag uminom pa ako ng dugo mo, pupwede kang mamatay," diretsong sabi niya sa akin.
Tinitigan niya ako sa mata at pakiramdam ko ay malulusaw na ang puso ko. Mahal na mahal ko siya. At hindi ko inaasahang darating ang araw na sobra akong magmamahal ng ganito.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita," sabi ko kaya natigilan siya, "Gaya nga ng sabi mo, marami ng dugo ang nawala sa akin. Kaya anumang oras puwede na akong malagutan ng hininga, at bago mangyari iyon, gusto kong masigurong mabubuhay ka, Zynon."
"Hindi ko hahayaan mangyari ang sinasabi mo. Alam mo ba kung gaano kasakit ang mga salitang sinasabi mo ngayon," sabi niya at nakita ko ang pagtatagis ng mga ngipin niya at ang paghigpit niya sa pagkakahawak sa akin, "Hindi ko kayang mawala ka."
Napangiti ako, "Ganoon din ako."
"Kaya ko pa, Xhiena. Kaya ko pang labanan ang sumpa. Kaya huwag kang sumuko. Huwag mo naman akong sukuan," halos madurog ang puso ko nang tumakas ang isang luha sa pisngi niya, "If you wanted me to beg, I would. Just don't leave me."
Naibaon ko ang ulo ko sa dibdib niya at doon napahikbi.
Naramdaman ko na pinagpatuloy niya ang paglalakad sa kabila ng nararamdamang panghihina.
"Don't let go of my hand, Xhiena. Kahit na mahirap. Hihilahin kita pataas. Kahit mabali ang braso ko, gagawin ko ang lahat. I don't want to lose you," mahina niyang sabi kaya mas napaluha ako.
Ngayon, hindi ko na masabi kung deserve ko ba talaga ang katulad ni Zynon. Hindi ko masabi kung deserve ko ba talaga ang lahat ng ito. Isang hamak na duwag lang naman ako. Takot sa maraming bagay at isang peke, katulad ng sabi ni Kezia.
Rinig na rinig ako ang mararahas na paghinga ni Zynon habang tumatagal kaya wala akong magawa kung hindi ang mapakapit na lang sa kaniya. Alam kong nahihirapan na siyang labanan ang sumpang unti-unting bumabalot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
