Chapter 63: The Awakened

32.4K 1.3K 97
                                    

Chapter 63: Awakened

Naiwang nakaawang ang bibig ko habang nakatingin sa rogue na nasa likuran ni Zynon na biglang sumabog ang buong katawan na parang isang bomba.

Noong oras na nahawakan niya ang katawan ni Zynon para sana atakihin ay nawasak siya.

"Zynon..Zynon, itigil mo na ito."

"Inilalabas mo na rin ang totoo mong katauhan ngayon, Carter. Kung ganoon, magsisimula na rin ako," narinig kong sabi ni Finnix mula sa likuran ko at lumayo na sa akin.

Dahil doon ay nakagalaw na ako at parang nawala ang bagay na nakadagan sa dibdib ko.

Nanghina ang tuhod ko at napaubo uli ng dugo. Doon ko napansin na kaya pala ako nakakatayo ng maayos kanina ay dahil sa kinokontrol ako ni Finnix.

"Z-Zynon," tinignan ko siya uli at para bang hindi ko na siya maramdaman. Nababalot na siya ng itim na usok habang unti-unti ng gumapang iyong tinta sa leeg niya paitaas sa pisngi niya.

"In any second right now, the curse will consume you," nakangising sabi ni Finnix at nakita kong nababalutan na rin siya ng itim na usok, "Can you still fight me?"

Nagniningas ang mga mata niya at nagulat ako nang makita ko na may mga dugong bumabalot sa braso niya.

What the heck is that?!

Umikot-ikot iyong mga dugo sa braso niya hanggang sa bumalot na iyon sa braso niya tapos unti-unting namuo ang isang napakalaking karit mula sa mga dugong nasa braso niya.

Lumapad ang ngisi niya at iwinasiwas ang karit dahilan para umihip lalo ang hangin kasabay ng pagkaputol ng ilang mga puno.

Pero hindi natinag si Zynon doon at nanatiling nakatitig kay Finnix.

"Shall we start?"

Mahina akong napasinghap nang muling iwasiwas ni Finnix ang karit niya at kasabay nun ay ang may mga matutulis na dugong kristal ang kumawala sa karit at bumulusok kay Zynon.

"Zynon!" tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng balikat ko. Napangiwi ako at tinignan si Zynon. Nakahinga ako ng maluwag nang may namuong itim na likido sa harapan niya at bigla iyong naging parang shield kaya nasangga iyong mga dugong kristal.

"Another one!" narinig kong sigaw ni Finnix kaya napalingon ako. Nanlaki ang mata ko nang mataas siyang tumalon sabay ng muling pagwasiwas ng karit. Umulan ang dugong kristal kay Zynon pero muling binalutan siya ng itim na likido na nagmula sa lupa at naging shield niya.

Narinig ko ang pag-ismid ni Finnix, "Akala ko ba, lalabanan mo na ako, Carter. Iilag ka na lang ba?"

"Magsisimula pa lang ako," kinilabutan ako nang marinig muli ang malamig na boses ni Zynon at bumalik sa lupa ang mga likidong nagsilbing shield niya. Mga anino pala iyon.

Nakita ko kung paano mabilis na gumapang ang mga anino sa lupa papunta sa kinatatayuan ni Finnix.

"I see what you're trying to do," sabi niya kaya kaagad siyang tumalon paitaas pero muling umangat ang mga anino at naging hugis kamay at akmang aabutin ang mga paa niya, pero mabilis ang naging galaw ni Finnix at iniwasiwas ang karit niya kaya natamaan ang mga aninong kamay at bumalik sa lupa.

"Not yet," sabi pa ni Zynon at sobrang bilis ng pangyayari.

Bumulusok patalsik si Finnix nang tadyakan siya ni Zynon sa sikmura. Napasuka ng dugo si Finnix at nawasak ang punong pinagtalsikan niya.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon