Chapter 33: A Duel
Tuluyan ng binalot ng liwanag ang buong building, at kung maganda iyon sa gabi, mas nakakalaglag panga iyon sa umaga. Dahil na rin sa pagtama ng mga sinag ng araw sa mga glass walls dahilan para magkaroon ng nakakamanghang reflection.
Parang kumikinang na isang diyamante ang buong building.
Nakangiti akong nakaupo sa isang baitang ng hagdan habang pinapanood ko iyon, nang marinig ko ang boses ni Luigi sa likuran ko.
"Gising ka na pala."
Kaagad ko siyang nilingon at nginitian, "Good morning."
Gulo-gulo pa ang kulay gray na buhok niya na halatang kagigising lang, namumungay din ang mga mata niya.
"Morning." sambit niya saka nagsimulang bumaba. Huminto lang siya nang makarating siya sa pwesto ko, "Anong ginagawa mo rito?"
"Wala lang. Ang ganda kasi ng buong building kapag umaga, kumikislap."
Napatigil naman ako nang bigla siyang napatawa, "Ibang klase ka talaga."
Tinignan ko siya uli habang nakakunot na ang noo, "Anong sabi mo?"
"Wala." ngingiti-ngiti niyang sabi bago umupo sa tabi ko, "May panis na laway ka pa."
Napalaki agad ang mata ko saka napahawak sa gilid ng labi ko. "M-meron talaga?!"
Napatawa nanaman siya dahil sa naging reaksyon ko kaya halos magbuhol ang mga kilay ko dahil sa inis. "Ang hilig mo talaga akong pag-tripan, ano?!"
"Hindi kita pinagti-tripan."
"Ewan ko sa'yo!"
Akmang tatayo na sana ako nang magsalita siya uli.
"Paano mo iyon nagawa? Paano mo dapat ako papatayin?"
Para akong nanigas sa kinaroroonan ko bago ko siya nilingon uli. "Huh?"
Dahan-dahan akong napayuko at sinimulan kong laruin ang mga daliri ko. "H-hindi ko alam. Kahit ako, hindi ko alam. Para ngang nawala ako sa sarili, eh. Isa pa, ayaw kong manakit ng iba kaya hangga't maari, ayoko ng maulit pa iyon."
Nanahimik naman siya dahil sa sinabi ko.
Pero maya't maya rin ay naramdaman ko ang pagpatong ng kamay niya sa ulo ko, saka niya marahang ginulo ang buhok ko.
Tinignan ko siya at nakangiti na siya, "Naiintindihan ko. Pero dapat mo ring alalahanin, na may mga mga oras na kailangan mong manakit ng iba. Tandaan mo iyan, Xhiena."
Pinanood ko siyang tumayo saka naginat-inat.
"Bagong umaga! Bagong training!" sabi niya saka napalingon uli sa akin at kinindatan ako kaya napangiwi na lang ako.
"Maghanda ka. This will be the most tiring day of your life."
"Ano bang sinasabi mo?!"
"Basta! Mag-ayos ka na. Magigising na rin iyong iba mamaya." sabi pa niya bago tuluyan ng bumaba sa hagdan.
Kahit naguguluhan ako ay nagsimula na rin akong umakyat pabalik sa kwarto ko para mag-ayos.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampirXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...