Chapter 17: Protecting Airies"So, ang ibig mong sabihin, si Airies nga 'yong batang itinakda?" tanong ko kay Zynon, nang makalampas na 'yung mga lalaki na nagpapatrolya sa buong bayan para makakuha ng mga bata.
"No doubt about it."
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
"Because there are no main characters that would die before they could even do their main purpose in the story. Besides, it's strange that a child could go on in this world alone without being killed, when no one is protecting her." paliwanag niya kaya doon ko naintindihan ang lahat. Na-amaze naman ako sa kaniya dahil nahanap niya 'yong glitch kahit na hindi niya pa nababasa 'yung librong kinaroroonan namin.
"Ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ko uli sa kaniya.
"We just need to act like her parents to fill the hole in the story," sagot naman niya.
"Paano natin 'yon gagawin?" tapos tinignan niya ako na parang isa akong malaking bobo, kaya kinunotan ko siya ng noo.
"Ano ba ang ginagawa ng mga magulang? Of course, they'll do everything to protect their child."
"Sorry naman!" sabi ko at inirapan siya, "Teka, paano mo nga pala kami nahanap kanina?"
"I've been following you since you walked out dramatically like an idiot." sabi niya kaya nalaglag ang panga ko at parang namintig ang ugat ko sa ulo.
"A-anong sabi mo?!"
Tinignan niya uli ako.
"I said, you're stupid for not noticing that I've been following you all along."
Mas nagngitngit ang ngipin ko kaya handa ko na sana siyang batukan nang maaala kong buhat ko pa pala si Airies.
Napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong magawa. Kainis talaga siya!
In the end, bumalik kami doon sa lumang bahay na pinuntahan namin kanina para magpalipas ng gabi.
Kumuha lang kami ng mga plywood ni Zynon na nakakalat sa paligid ng bahay at iyon ang inilatag namin para maging tulungan.
"Mama?" napatingin naman ako kay Airies na katabi ko at nakayakap sa akin. Medyo namumungay na rin 'yung mata niya.
"Ano 'yon, Airies?" tanong ko naman. Nginitian niya ako saka itinuro 'yung bibig ko. Agad namang nangunot ang noo ko. Napahikab siya at parang doon ko na nga na-gets kung anong gusto niya at napangiti na rin saka ako nagsimulang kumanta ng isang lullaby hanggang sa makatulog siya.
Nang makita kong mahimbing na siyang natutulog, ikinumot ko sa kaniya 'yung school coat ko at pinanood siya. Doon ko nakita na ang ganda ganda niyang bata dahil sa tulong ng liwanag ng buwan na sumisilip sa bintana ng bahay. Mahaba ang pilik-mata ni Airies, at may maliit siyang labi, may kapayatan nga lang at mayroon ding kulot na itim na buhok.
Hinawi ko 'yung buhok niya na tumatabing sa mukha niya at hinalikan siya sa noo.
Sana pagkatapos ng misyong ito, magkita parin kami, at sa panahong iyon, hindi ko na makikita pa kailanman ang takot sa mga mata niya.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin din kay Zynon na nakaupo at nakasandal sa pader. Nakapatong 'yung isang braso niya sa tuhod niyang nakatupi habang ang isa naman ay malayang naka-unat. Nang tamaan din ng sinag ng buwan ang mukha niya ay nakita kong nakapikit na siya.

BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...