Chapter 68: Steal the Throne

37.5K 1.2K 461
                                    

Chapter 68: Steal the Throne


Binalot na ng kadiliman ang langit. Pinalabas na rin sa underground dungeon sila Ulvia at ang iba pang estudyante nang masiguradong ligtas na ang buong school. Pero hindi ko pa sila nakikita, dahil bumalik na ako sa infirmary kung nasaan si Zynon nang malaman ko ang mga bagay na 'yun.

Si Levy....hindi ko inaakalang siya ang namumunong reyna ngayon.

"Kezia! Paglaki ko, gusto ko ring maging kagaya mo!"

Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ng tipid. Kung alam mo lang, Levy. Hindi mo gugustuhing maging ako.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kay Zynon na natutulog sa kama. He looks so peaceful.

Napangiti ako at hinawakan ko ang isang kamay niya.

"Sa tingin mo, magiging maayos lang ang lahat?" tanong ko at napayuko.

Gaya ng sabi ni Gwen, maraming mangyayari sa susunod na mga araw. Hindi ko alam kung kakayanin ko 'to. Lalo na't malapit sa puso ko ang kakalabanin ko.

Tuwing naaalala ko ang inosenteng ngiti niya noong mga bata pa kami, hindi ko mapigilang masaktan.

Bakit siya pa? Bakit kailangan kitang kalabanin, Levy?

Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng kamay ni Zynon kaya napaangat kaagad ako ng tingin sa kaniya.

"Zynon.." napangiti ako at pinanood siyang magmulat ng mga mata. I held his hand tighter.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" bungad na tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

Natigilan na lang ako nang makitang walang emosyon ang mga mata niya. Lifeless and cold.

"Z-Zynon.."

Mabilis siyang bumangon sa kama at sinakal ako. His eyes remained cold as he lifted me from the ground.

Anong nangyayari?

"Zynon..a-anong ginagawa m-mo?" nahihirapan kong sambit at napahawak sa kamay niyang sumasakal sa akin.

"Kezia.." natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan na 'yun. Alam niya na rin ba?

Mas humigpit ang pagkakasakal niya sa akin kaya halos magdugo na ang ilong ko.

"Z-Zy-Zynon..b-bakit?"

Unti-unting bumalatay ang nakakapanindig balahibong ngiti sa labi niya kasabay ng malakas na pagbato niya sa katawan ko.

Malakas na lang akong napasinghap nang tumama ako sa dingding ng kwartong kinaroroonan namin at halos mawasak na 'yun.

Bahagya akong nahilo at hindi nagtagal at naramdaman ko na ang paglapit niya sa akin.

Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.

I felt him grabbed my hair and pulled me up on my feet. Pero tila tumigil ang pagtibok ng puso ko nang mas hinila niya pa ang buhok ko at makita ko ang mukha niya. Hindi na 'yun ang mukhang pagmamay-ari ni Zynon.

Her face that almost look like mine. The face that everyone thought that she is my twin when we were young.

"Long time no see, Kezia.." nakangiting sambit niya. Wala na ang inosenteng ngiting nakikita ko lagi sa kaniya noon. Ang nakikita kong suot niyang ngiti ngayon ay punong-puno ng kasakiman.

Nagsitindigan na lang ang mga balahibo ko nang may mapagtanto ako. Bakit? Her smile...

...resembles the smile of my mother.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon