Chapter 12: Blood Contract
"Just pick.."
"Zynon?!" narinig ko pang saway ni Nurse Charm sa kaniya bago bumaling sa akin, "Xhiena, listen, you need blood to stay alive. You'll choose to live, right?"
Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin sa mga binti ko na nababalutan ng puting kumot.
Am I really a vampire?
Totoo nga ba talaga ang mga sinasabi nila? Pero, bakit itinago ni mama sa akin? Bakit niya itinago ang totoo kong katauhan? Was she afraid, because I'm a vampire? Masama ba ako?
"Xhiena, Xhiena.." panay ang tawag ni Nurse Charm sa pangalan ko pero hindi ko siya pinapansin.
Nanatili lang akong nakatulala. Walang magawa. Naguguluhan. At natatakot.
Basang-basa na ang pisngi ko ng mga luha, at sobrang sikip ng dibdib ko. Lahat ng mga bagay na nalaman ko ngayon, sobra-sobra na pakiramdam ko mababaliw na ako.
Akala ko, tao ako. Akala ko, normal lang ako. Pero bakit nangyayari ang lahat ng ito.
So that makes sense, kaya kakaiba ang blood type ko gaya ng sabi ng mga doktor. And the vines, ang mga vines na 'yun na lumabas sa palad ko sa gubat, hindi iyon magagawa ng isang normal na tao.
Napahikbi na lang ako.
"Hindi ko kaya.." mahinang usal ko.
"Xhiena.."
"Hindi ko kaya ang sinasabi niyo. Hindi ko kayang maging isang bampira!"
"Pero, Xhiena. Your body isn't getting better! Habang patagal ng patagal namamatay ang katawan mo! You need to accept who you are!" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya na ikinagulat niya.
"Paano ko tatanggapin ang katauhang hindi ko naman kilala?! Who am I supposed to be?!" sabi ko, tapos pinagpapalo ko ang mga binti kong manhid parin. "Bakit ba ayaw mong gumaling?! Bakit ba kailangang humantong sa ganito?! Gumalaw ka! Gumalaw ka!" napahagulgol na lang ako habang patuloy na pinagpapalo ang mga binti ko.
"Xhiena, tama na! Huwag mong saktan ang sarili mo!" pilit na pigil sa akin Nurse Charm pero patuloy lang ako sa pagsuntok at pagpalo sa binti ko.
"Ayoko na! Ayoko na!" sigaw ko at napatigil. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko na kumikirot.
"Xhiena..."
Napapikit na lang ako.
"Nurse Charm, pwede bang iwan mo muna ako?" sabi ko habang nanatiling nakapikit. Narinig ko siyang napabuntong hininga then, kasunod noon ay narinig ko ang pagsarado ng pinto.
Doon ako nakahinga ng maluwag.
"So you're choosing to die." napatingin ako kay Zynon na nakatingin parin sa akin.
"Oo. Matagal ko na rin naman 'yung natanggap. So, be it." sabi ko at pinunasan ang luha ko. Tinanggal ko 'yung dextrose na nakakabit sa pulso ko at umagos ang dugo mula roon.
Nakita ko naman si Zynon na natigilan sa ginawa ko at napatingin sa dugo kong tumutulo.
"You're stupid."
Pagak na lang akong napatawa, "Siguro nga."
"I thought you cared about your friends. But, you're stupid for choosing death over them."
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Choosing death over them?
Bigla kong naalala sila Ulvia at Ulvette.
BINABASA MO ANG
Vampire High
WampiryXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
