Chapter 35: Surrender

22.5K 938 94
                                    


Chapter 35: Surrender

"Don't act like you can take me on, bitch!" pagkasabi niya doon ay  mabilis niya akong pinatamaan ng mga throw blades.

Dahil sa gulat ay hindi kaagad akong nakapag-react dahilan para tamaan ako sa ilang parte ng katawan.

Mabilis akong napangiwi dahil sa sakit na dulot nun.

"See the difference? You're too weak to defeat me." narinig kong sabi niya, "You can't underestimate me. I've been through rough trainings than you could ever imagine."

Muli ko siyang tinignan habang hawak ang sugat ko sa kanang balikat ko.

"I'm not underestimating you, at alam kong wala akong laban sa'yo. Pero hindi ako susuko." sabi ko kaya bahagya siyang natigilan pero kinuha ko kaagad iyong chance para patamaan siya ng mga dagger pero mabilis din siyang nabalik sa huwisyo at maagap na iniwasan ang mga dagger na pabulusok sa kaniya.

Nakita ko ang pagguhit ng ngisi sa labi niya, "I really hate the kinds of you."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga dagger ko. Crap. Hindi ko man lang siya nadaplisan ng kahit kaunti.

"Kung alam mo naman pa lang hindi ka mananalo sa akin, why bother to fight like this? For pride? O baka naman inaakala mo na magiging mabait ako sa'yo dahil sa mga rules na sinabi ni Professor George. Inuulit ko, I don't care about being expelled from this school, as long as I'm having fun on crusing the likes of you. I don't give damn. Naiintindihan mo ba?"

Dahan-dahan akong napailing bilang sagot, "Hindi ko naiintindihan. Hindi kita maintindihan kung bakit parang napupuno ka ng galit."

"Oh, stop the drama. Kung ayaw mong sumuko, then I'll just make you." sabi niya at mabilis uli akong pinatamaan ng mga throw blades pero sa hindi inaasahan ay parang nag-slow motion ang mga iyon.

Suddenly, I felt like I know where will it go. Kaya bago pa ako mataaman ay mabilis akong napaiwas hanggang sa mailagan ko ang lahat ng throw blades na inaatake niya sa akin.

Napatingin ako uli sa kay Gwen habang pigil ko ang hininga ko. Like..how the heck did I do that?

"Now, I see. You're slowly adapting the senses of a vampire." napangisi pa siya lalo at pinaglaruan ang mga throw blades sa kamay niya. "Let's see, how far you'll go."

Muli kong nakita ang mga pabulusok na throw blades at kagaya kanina ay tila nagslow-motion iyon kaya mabilis ko silang naiilagan.

Pero natigilan na lang ako nang maramdaman ko ang pagtama ng isa sa kanang binti ko.

Napasinghap ako at kaagad na bumaba ang tingin ko sa binti ko na may nakatarak na throw blade.

"Gotcha." narinig ko ang mapang-asar na boses ni Gwen, "I can easily read your moves, you know. How you dodge my attacks, it's so easy."

Nanginginig kong hinawakan ang nakatarak na throwblade sa binti ko saka walang anu-ano iyong hinatak mula sa pagkakabaon sa balat ko. Impit akong napaungol dahil sa sakit, kasabay ng pag-agos ng dugo ko.

Iyong puting flatform na kinatatayuan namin ni Gwen ay unti-unti ng nagkakaroon ng mga patak ng mga dugo ko.

"Wow! Atleast, you manage to get it off, huh. I can see your improvement for your tolerance of pain."

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon