Chapter 28: Lights Out

24.1K 941 44
                                    


Chapter 28: Lights Out


"I will join the Phantom Club." sabi ko sa harapan ni Professor George.

Kasalukuyan akong nasa opisina niya para pag-usapan ang pagpayag ko sa proposal niya.

Nakita ko kung paano gumuhit ang malapad na ngiti sa mukha ng principal.

"Nice decision, Miss Corpuz. You won't regret it." sabi niya kaya napahinga ako ng malalim.

"So, puwede niyo na po bang sabihin sa akin kung ano ba talaga ang Phantom club?"

Napatango-tango siya, "Sasabihin ko na sa'yo kung iyan ang gusto mo, Miss Corpuz. But you have to sign this contract first, for there'll be no turning back."

Mabilis kong kinuha mula sa kaniya ang kontrata at hindi ko pa man nababasa iyon ay pinirmahan ko na. No turning back, indeed.

"Okay then, now that you're officially a member of the club, I'll tell you everything you wanted to know."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa malaking bintana ng opisina niya. Marahan niyang hinawi ang kurtina at sumilip sa labas.

"The Phantom Club have only one certain goal to achieve, and that is to protect the school." sabi niya habang nanatiling nakatalikod sa akin at nakatingin sa labas.

"Kung ganoon naman pala, bakit niyo pa ito kailangang isikreto? Isn't it enough to be proud of? Dapat isinisiwalat ang tungkol sa Phantom Club kung malinis naman pala ang hangarin nito."

"You've mistaken, Miss Corpuz. Wala ka pang alam sa mundong ito. You've only here for almost a month. Marami ka pang hindi nalalaman." liningon niya ako uli at naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

"About the upcoming war, the bloodshed, the continuous dispute among the vampires, and the unpredictable future that will slowly eat all of us. Walang nakakaalam kung anong mangyayari. Maybe the bad would win over the good. But who knows?"

Napahinga ako ng malalim sa narinig, "So, ang sinasabi niyo na ang mga problemang ito ang dahilan kung bakit nabuo ang Phantom Club?"

"Yes. Nabuo ang Phantom Club para sa kaligtasan ng Vampire High. We, vampires, always look up to the future. And this place, it is a great foundation to build a great future, for it is where students like you are being wielded. You will be the great future we are all looking up to."

"Pero, hindi niyo ba naiisip na gusto rin naman naming malaman kung ano ang nangyayari ngayon, sa kasalukuyan? You're making us all ignorant about these matters." sabi ko pero napangiti lang si Professor George.

"Malalaman mo rin kung bakit namin ito ginagawa, Miss Corpuz. You see, hindi lang pagiging great protector ang trabaho ng Phantom Club, we're also the guardian of this world to seperate it from the world of mortals."

Napalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi lang dahil sa mga estudyante ang dahilan kung bakit prinoprotektahan ng Phantom Club ang Vampire High. May isa pang malaking dahilan. It is because, Vampire High serves as the main portal that bridges this world to the world of mortals. At kung sakali mang mabuksan ang portal na iyon, isa lang ang nakikita kong mangyayari sa dalawang mundo, destruction."

Naikuyom ko ang mga palad ko at napayuko.

Ang mundo ng mga mortal, ang mundo kung saan ako lumaki ay masisira.

"Now you know, Miss Corpuz. The main gate of Vampire High, kung saan ka nakapasok mula sa mundo ng mga mortal, ay ang nagsisilbing koneksyon sa mundong iyon, it is the portal that we all are dying to protect to."

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon