Chapter 18: The Start of Tragedy

40.7K 1.5K 81
                                    

Chapter 18: The Start of Tragedy


Walang tigil ako sa pagtakbo ng mabilis kahit na maraming paharang-harang na malalaking ugat ng puno sa daan. Pinagsawalang-bahala ko 'yun.

Hanggang sa marinig ko ang paghikbi ni Airies. Tinignan ko siya at malungkot na nginitian.

"Airies, huwag ka ng matakot. Po-protektahan ka ni mama, okay?" sabi ko kaya naman tumigil siya sa paghikbi at napaluha na lang.

"P-papa?"

"Si papa, si papa pino-protektahan niya rin tayo. Nilalabanan niya 'yung mga bad guys na gustong manakit sa'yo. Kaya kailangan nating lumayo. Susunod si papa. Naniniwala akong makakasunod siya." sabi ko at mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa makita ko na ang kalsada at ang dulo ng gubat. Lumingon ako para tignan kung may nakasunod sa amin at nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala.

Mabilis akong lumabas sa gubat at natulos na lang ako sa kinatatayuan ko sa nakita.

Maraming mga tauhan ng hari ang nakaabang sa amin sa dulo ng gubat.

Ang dami nila. Halos hindi ko mabilang. Ang mga pana at espada nila ay nakatutok sa aming dalawa ni Airies, at sa isang maling galaw lang namin ay maaari kaming mamatay.

Nagsimulang bumaha ang takot sa dibdib ko at mas humigpit ang pagkakayakap ko kay Airies.

"Ibigay mo sa amin ang bata." sabi nung isang lalaki at nakita ko ang pagguhit ng ngisi sa labi niya.

"Hindi ko ibibigay sa inyo ang anak ko!" giit ko at kaagad na napaatras. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Anak mo siya? Hindi ba't parang napakabata mo pa para magkaanak?"

Napangisi na lang ako, "Oo, anak ko s'ya at hinding-hindi ako makakapayag na makuha niyo siya sa akin!"

"Isang kalokohan! Wala ka ng magagawa ngayon. Kunin niyo na ang bata, at patayin ang kaniyang ina!" utos niya sa mga kasamahan niya kaya mabilis akong napatakbo pabalik sa gubat.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang ramdam ko na ang mga arrow na tatama sa likuran ko. Pero bago pa iyon ay parang may sariling mga isip ang mga paa ko at mabilis akong napaliko at nang makakita ako ng isang malaking puno ay doon kaagad ako nagtago.

Nagtataas-baba na ang dibdib ko at napasandal sa trunk nung puno. Pero natigilan din ako nang marinig ko na ang sunod-sunod na pagtama ng mga arrow sa likuran ng puno na sinasandalan ko.

Napahigit na lang ako ng hininga at napapikit ng mariin.

"Mama.." narinig ko pa ang natatakot na boses ni Airies kaya mas lalo akong napakuyom ng kamay.

"Ibigay mo na ang bata sa amin, kung gusto mo pang mabuhay!"

Napangiti naman ako ng mapait. Mga walang puso. Sa tingin nila, kung ang anak nila ang nakataya ang buhay, sino bang magulang ang mas pipiliin ang kaligtasan niya kaysa sa kamatayan ng kaniyang anak?

Nagngitngit na lang ang ngipin ko dahil sa galit. Mga wala silang puso, mga demonyo. Maraming mga inosenteng bata ang namaty, mga magulang na walang nagawa. Napakapit ako ng mahigpit sa trunk ng punong sinasandalan ko dahil sa labis na poot at galit saka ko naramdaman ang malakas na enerhiyang unti-unting bumalot sa katawan ko, kasabay ng pagliwanag ng mga mata ko.

Lumabas ang mga vines sa palad ko na parang mga latigo, at humigpit ang pagkahawak ko doon.

Walang sinuman ang puwedeng manakit kay Airies at walang ano-ano'y kaagad kong inihampas ang vine na latigo sa puno at walang kahirap-hirap 'yung nahati at natumba.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon