Chapter 57: Suicide
Napatingin ako sa mga kamay ko na punong-puno ng dugo. Nabura ang ngiti ko, kasabay ng pagkarinig ko ng boses sa mind link.
You earned another twenty points. In total, you have a hundred points.
Hundred points, huh?
Ilan na nga ba ang napatay ko? Lima? Anim?
Tuwing may nakakasalubong ako ay kusang nagiging pula ang paningin ko at pumapatay ako.
Ilang oras na rin siguro ang lumipas, dahil tuluyan ng nilamon ng dilim ang paligid.
Napaupo na lang ako sa ilalim ng isang puno na may mga malalaking ugat. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.
Nararamdaman ko ang bahagyang pamamanhid ng isang braso ko na nakagat ng ahas kanina pero hindi ko iyon binigyang pansin. Huminga uli ako ng malalim saka bumuga ng hangin.
Naramdaman ko ang pagbalot ng malamig na yelo mula sa kamay ko pataas sa braso. Nagmistulang isang kristal ang buo kong braso. Sa pamamagitan nun, babagal ang pagkalat ng lason mula doon sa ahas kanina. Alam kong hindi iyon isang ordinaryong lason at maaari ko iyong ikamatay.
Napatigil na lang ako narinig ko ang boses niya.
Hindi iyon isang mind link.
Si Xhiena.
Habang nakapikit ako ay nakita ko ang mukha niya na basang-basa ng luha. Masyado siyang iyakin. Masyado siyang mahina. Kaya ayaw na ayaw ko sa kaniya.
"Bakit mo ito ginagawa, Kezia?" tanong niya kaya napaismid ako.
"Bakit ka ba nakikialam? Hindi ba't sabi ko, ako na ang bahala? Mananalo ako sa tournament na ito," sagot ko pero napailing lang siya.
"Oo, gusto kong manalo. Pero hindi sa paraang ganito."
Napatawa ako ng pagak, "Sa anong paraan ang sinasabi mo? Hindi ka makakasurvive sa lugar na ito kung hindi ka papatay. Sa tingin mo ba, hindi pumapatay ang mga kaibigan mo ngayon para lang mabuhay?"
Natigilan siya kaya mas napangiti ako.
"Kaya kung puwede lang, tigilan mo muna ako. Ako na ang bahala. Ako naman, Xhiena. Ako naman," bulong ko bago nagmulat ng mata.
Pinahid ko ang ilang luha na tumulo sa mata ko at tumayo na.
Kailangan ko ng magpatuloy.
Ilang minuto pa lang akong naglalakad nang makaramdam ako ng kakaibang presensya.
Sa hindi malamang dahilan ay natigilan ako sa paghakbang.
Kakaiba ang presensya nito kaysa sa mga nakasalubong ko kanina.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at inihanda ang sarili. Hanggang sa nakita ko ang isang silhouette na unti-unting lumalabas sa dilim mula hindi kalayuan sa akin.
Dahan-dahang nagsilabasan ang mga pangil ko at ganoon din ang mga vines na latigo sa palad ko.
"Sino ka?" malamig na tanong ko.
"Kilala mo ako," malalim ang boses na sagot niya at doon ko rin napagtanto na pamilyar nga ang boses niya.
Nang ilang metro na lang ang lapit niya sa akin ay nasilayan ko ang mukha niya. Itim ang buhok niya na tumatakip sa mga mata niya at isang demonyong ngisi ang nakaguhit sa labi niya.
Bumaba ang tingin ko sa naka-embroid sa suot niyang jumpsuit katulad ko.
"Sa wakas, isang rogue," sambit ko at napangiti.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampiroXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
