Chapter 59: Walking Bomb
Others thought that our family is perfect, flawless and ideal.
For it is indeed the Luxerfillia Clan, the most powerful royal blood line of vampires that rules for the past centuries.
They are known for having such good heart, helping other vampires, and punishing rogues.
But, little did they know.
The whole clan are rogues themselves.
Behind the curtains lies the cruelty of the whole clan. The only thing they want is power, to continue the bloodline that will rule forever. And I, I'm the only one that could see what nobody couldn't.
And then, I didn't noticed. I also became one of them.
Nakayuko ako habang nasa harapan ko ang nakatalikod na si papa. Pinatawag niya kasi ako, at minsan lang iyon mangyari, kaya naman kinakabahan ako.
Papagalitan niya ba ako? Kasi hindi ako perfect na anak? Kasi puro ako palpak tuwing nage-ensayo ako?
"Kezia.."
Napatuwid ako ng tayo at nilingon niya ako. Natigilan ako nang makita siyang nakangiti. Ang laging seryoso niyang mukha ay nakangiti ngayon sa harapan ko.
Naramdaman ko ang labis na pananabik sa aking puso.
"P-papa?"
"Halika, Kezia," nakangiti niyang sabi at bahagyang inilapat ang isang tuhod sa sahig. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.
"P-papa!" hindi makapaniwalang sambit ko. Ito ang unang beses na nayakap ko siya.
Naramdman ko ang paghaplos niya sa buhok ko kaya napangiti ako ng mas malapad pa. Wala na yatang mas sasaya pa ang nararamdaman ko ngayon.
"Papa, mahal mo na ba ako?" tanong ko at narinig ko siyang napatawa.
"Mahal na mahal kita, prinsesa ko. Pasensya na kung hindi tayo madalas na nagkakasama."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan siya.
"Okay lang po, papa. Basta, alam kong mahal mo ako, okay na ako," masiglang sabi ko.
Nginitian niya ako at napatango, "Kung ganoon, may hihilingin ana ako sa'yo, Kezia."
"Ano po iyon, papa?!"
"Puwede mo bang layuan na simula ngayon, ang batang lalaking iyon?"
Nabura ang ngiti sa labi ko at nakaramdam ako ng kaba, "P-Po?"
"Mahal mo si papa, hindi ba?" sabi niya habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko, "Kaya gagawin mo ang hiling ko, 'di ba prinsesa ko?"
"P-pero bakit po?"
"Dahil masama ang batang lalaking iyon."
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...