Chapter 53: Maze of the Past
Nanghihina na ang mga tuhod ko at marami na ang nalagas sa amin. Pero pilit akong tumatakbo kasama ng ilan sa isang hallway na tila walang katapusan habang hinahabol parin kami ng kadiliman.
Damn. Damn. Damn.
Gusto kong magmura ng magmura habang pilit na pinapatatag ang mga binti ko.
Hindi ako puwedeng sumuko, hindi!
Natigilan na lang ako nang huminto iyong mga mas nauuna sa akin.
Anong ginagawa nila?
Napalingon na ako sa likuran at napalaki ang mata ko dahil ilang minuto na lang at masusundan na kami ng dilim.
"The fuck?! Bakit kayo tumigil?! Anong mayroon?! Malapit na tayong maabutan ng dilim!" reklamo ng nasa likuran ko.
Lumingon naman iyong mga nasa harapan sa amin at kitang-kita ang labis na takot sa mata nila.
"D-Dead end na.."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
A-ano? Dead end?
Parang sasabog sa bilis ng tibok ang puso ko.
Bakit? Bakit ito nangyayari?
"Anong ibig sabihin niyong dead end na?! Tignan niyo ng mabuti! Baka mayroong ibang daan!"
Nagsimulang mataranta ang lahat kahit ako ay naninigas na sa kinatatayuan ko at hindi na alam ang gagawin.
Xhiena, ano ba?! Kumalma ka. Kailangan mong mag-isip!
Naikuyom ko ang mga kamao ko at napatiim bagang.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
Nagkakagulo silang lahat hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakasandal lang sa metal na pader at nakangising pinapanood ang nangyayari. Nakasuklay ng maayos ang itim niyang buhok patalikod habang may hinahagis at sinasalo siyang isang bagay.
Isang glass ball na may spiral design.
Kumunot ang noo ko.
Anong ginagawa niya?
Maya't maya pa ay napalingon siya sa akin at nabura ang ngisi sa labi niya.
Tinitigan ko siya ng mabuti at nagsimulang humakbang papalapit sa kaniya.
Gumuhit muli ang ngisi sa labi niya, "Oh, so you noticed, huh?"
Dahil doon, mas binilisan ko ang hakbang ko papalapit sa kaniya at sinalo ang inihagis niyang glass ball.
Nang makuha ko iyon ay malakas kong ibinato iyon sa pader na nagsisilbing dead end ng hallway.
Nabasag ang glass ball at natigilan ang lahat.
Kasabay nun ay nawasak ang pader at nakita namin ang isang panibagong malawak na kwarto.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
