Chapter 50: Death's Doorstep
Hindi ko pa rin mawaglit sa isip ko ang tungkol sa sinabi ni Perk at ilang araw na akong nababagabag dahil doon.
Napahigpit ang hawak ko sa dagger at mabilis ko iyong binato mula sa isa sa mga combat dolls.
Kailangan kong magtrain ng magtrain.
Napahinga ako ng malalim bago naman lumapit sa combat doll na gawa sa bakal. Nagsimula ko iyong atakihin sa mga vital points ng katawan.
Sunod-sunod na sipa, tadyak at suntok ang ginawa ko. Hindi ako tumitigil hanggang sa naramdaman kong namamanhid na ang mga kamao ko.
Sandali akong huminto sa bahagya saka ako umikot at nagbigay ng isang round kick na tumama sa tagiliran ng doll. Bahagya iyong nabaliko.
Siguro kung dati ay humiyaw na ako sa sakit pero ngayon, ibang-iba na nga ang katawan ko. Hindi ko na maipagkakaila na hindi na ako nasasaktan kahit pa ihampas sa akin ang isang matigas na bakal. Siguro kaunting kirot, pero hindi na ako mapapatumba nun.
Malaki na nga ang pinagbago ko.
Napapikit ako saka hinabol ang hininga ko.
"Why are you training alone here?"
Mabilis akong napamulat at tumingin sa pintuan ng training ground dito sa Safe House.
Nakita ko si Zynon na kanina pa pala ako pinapanood.
Napangiti ako sa kaniya.
"You shouldn't push yourself too hard," wala paring emosyon na sabi niya kaya mas napangiti ako. Siguro sanayan na lang.
Nagpameywang ako, "Ano sa tingin mo?"
Nagkibit balikat siya bago naglakad papalapit sa akin habang hindi parin inaalis ang tingin sa mga mata ko.
"Your attacks and movements are now more refined than before," sabi niya nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin.
"Kung ganoon, ibig sabihin ba, kaya na kitang talunin sa isang duel?" nakangisi kong sabi.
"That..will be imposible."
"Yabang," simangot ko saka tumalikod sa kaniya, pero mabilis ang naging kilos kong humarap muli at atakihin siya. Pero mabilis niya ring nahawakan ang kamao ko.
"I already said it, it's imposible," sabi niya na puno ng confidence kaya napaismid ako.
Hinila niya ang kamay ko papalapit sa kaniya kaya napabusangot na lang ako.
"Huwag kang mayabang. Darating ang araw, na ikaw ang luluhod sa akin dahil natalo kita," mapang-asar na sabi ko.
Yumuko siya at binaon ang mukha niya sa leeg ko. Kaagad na nanindig ang balahibo ko dahil sa mainit na hininga niya.
"It's tommorow."
Napapikit ako at niyakap siya.
"Yeah. It's tommorow," pag-uulit ko.
"Promise me, that I could still mark you as my mate after this."
Napangiti ako ng mapait.
"Zynon, paano kung mamatay ako sa tournament?"
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin.
"That will not happen. I will protect you."
"You can't protect me all the time, Zynon, at kung mangyari man iyon, gusto kong isipin mo kung ano ang mas karapat-dapat na gawin kaysa sa iligtas ako. Kailangan ka ng phantom para protektahan ang portal."
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
