Chapter 67: Vampire Princess
Mula sa himpapawid ay nakita na namin ang buong Vampire High. Sobrang laki pala talaga ng school.
Pero bigla akong kinabahan nang may mapansin ako.
The school forest is on fire.
"Anong nangyayari sa school?" narinig kong tanong ni Anice na siyang nasa likuran ko.
"Damn, masama ang kutob ko rito," sabi pa ni Luigi.
"Atlas, bilisan mo. Kailangan nating makarating agad sa school," sabi ko kaya mas bumilis ang paglipad ni Atlas.
Bumulusok siya pababa at napapikit na lang ako dahil sa lakas ng hangin. Lumapag si Atlas sa may West Wing.
Kaagad kaming bumaba mula sa kaniya at tinignan ang paligid. Sobrang tahimik.
"Anice, pumunta muna kayo sa infirmary para magamot ni Nurse Charm si Zynon at Gwen. Hahanapin ko si Professor George," sabi ko sa kanila at akmang aalis na ako nang maramdaman kong pinigilan ako ni Gwen.
"Sasama ako sa'yo,"
"Pero, iyong mga sugat mo—"
"Don't act like you care. Tara na!" sabi niya at nanguna na kaya napailing na lang ako at nilingon sila Anice na tinanguan lang ako.
Sumunod ako kay Gwen papunta doon sa School Forest. Nakakapagtaka lang dahil wala man lang kaming makitang mga estudyante.
"Nasaan silang lahat?" tanong ko.
"Probably in the dungeon," nagulat ako sa naging sagot niya kaya napakunot na lang ako ng noo,"May kakaibang nangyayari ngayon at ang dungeon lang ang part ng school na underground at sapat na parang maprotektahan ang lahat. So they must be there."
"Do you think connected ang nangyayari ngayon sa tournament?" tanong ko uli kaya napatingin siya sa akin.
"For sure it is."
Napatigil kami sa pagtakbo at napalaki ang mata ko nang lumantad sa amin ang nangyari sa School Forest. Crap. Anong nangyari rito?
Nagmistulang dinaanan ng malakas na bagyo ang parte na iyon ng school. Wala na lahat ng puno at higit sa lahat, may napakalaking butas doon na hindi ko malaman kung sino ang may gawa.
"Shit. Sana hindi siya ang may gawa nito," narinig kong sabi ni Gwen at nakita ko na nagngingitngit na siya sa sobrang galit.
"Sinong sinasabi mo?"
Tinignan niya ako ng diretso sa mata, "Ang papa ko."
Napaawang ang bibig ko at parang hindi ako nakapagsalita.
"T-teka, bakit ang papa mo? Bakit naman niya ito gagawin sa school?"
Humalukipkip siya at tinignan uli ako ng diretso sa mata, may kung anong pinaghalong galit at pangungulila sa mga mata niya.
"Kailangan mong mamatay, Xhiena."
"Ano?! Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong. Napabuntong hininga na lang ako at napailing, "Gwen, hanapin na lang muna natin si Professor George. Para malaman natin kung ano ba talaga ang nangyayari—"
![](https://img.wattpad.com/cover/65766424-288-k987323.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...