Chapter 51: Departure
Maingat kong inilapag ang sulat sa bedside table ni Ulvia. Kagagaling ko na rin sa kwarto ni Ulvette kanina para iwan ang sulat ko rin para sa kaniya.
Mabigat ang dibdib ko at parang may malaking bagay na bumabara sa lalamunan ko habang pinapanood ko silang matulog.
"Sorry."
Pinunasan ko ang mainit na luhang tumulo sa pisngi ko bago maingat na lumabas ng kwarto.
Nang makalabas na ako ng Girl Dormitories ay sumalubong sa akin si Perk.
"Perk.."
"Hindi na ba talaga kita mapipigilan, Xhiena?" tanong niya kaya bumaba ang tingin ko sa lupa.
"I'm sorry, Perk."
Narinig ko siyang napabuntong hininga at lumapit sa akin.
"Kunin mo ito."
"H-huh?" tinignan ko siya uli at nakita ko ang isang cross.
Ang akala ko ay takot sa cross ang mga bampira.
"P-para saan ito?" tanong ko nang kunin ko mula sa kaniya ang isang cross na yari sa bakal.
"Makakatulong sa'yo iyan, Xhiena. Iyan na lang din ang magagawa ko para sa'yo. Gamitin mo iyan sa tamang oras. Sana makabalik ka ng ligtas," pagkasabi niya ng mga iyon ay tumalikod na siya mula sa akin.
"Teka, Perk-" bago pa ako makahuma ay naglaho na rin siya sa paningin ko.
Napatingin na lang ako sa krus na hawak ko.
Tuliro akong bumalik sa Safe House kung saan naghihintay na sila Anice.
Lahat kami ay nakaupo sa couch at binabalot ng tensyon.
"Xhiena, ano okay na ba? Nakapagpaalam ka na ba kila Ulvia at Ulvette?" salubong sa akin ni Anice kaya tinanguan ko na lang siya bilang sagot.
"Papunta na rito sila Professor George at Mister Rem."
Napatango na lang uli ako.
Napatingin ako kay Luigi dahil sa pagiging tahimik niya. Palagi kasing siya ang ice breaker ng grupo kaya napaka-unusual ng inaasal niya.
Natigilan ako nang biglang hawakan ni Anice ang kamay ko. Nakita ko na namamasa na ang mga mata niya.
"Anice.." pakiramdam ko dinurog ang puso ko.
"Xhiena, mangako ka na hindi ka mamamatay, huh? Alam kong ilang buwan ka pa lang namin nakakasama pero, parte ka na rin ng grupong ito. Kaya, huwag kang mamamatay, please."
Namalayan ko na lang ang pagdausdos ng luha sa pisngi ko.
"Anice.."
"Luigi!"
"Oh? Ano nanamang problema mo?" nakakunot ang noong sabi ni Luigi pero nakangiti naman ang labi niya.
"Huwag ka ring mamamatay!" pasigaw rin na sabi sa kaniya ni Anice kaya napatawa siya.
"As if! Ako kaya ang School Vice President ng Vampire High, paano na lang itong school kung wala ang gwapong tulad ko?" nakangising sagot ni Luigi pero maya't maya rin ay napayuko na siya at narinig ko ang mahinang pagsinghot niya.
Dahil doon, mas napaluha ako.
"Drop the drama, everyone. Masyado kayong malambot. Do not forget that the tournament we're going will be toug—" hindi na natapos ni Gwen ang sasabihin niya dahil mabilis na tumayo si Anice mula sa tabi ko at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampirXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
