Chapter 24: Unexpected Proposal
Phantom Club.Nage-exist nga ba ang club na iyon?
"Well Xhiena, it's for you to decide." narinig kong sabi ni Ulvette at napatango-tango naman si Ulvia.
Napabuntong hininga ako.
Hindi ko alam. Siguro kailangan ko na lang munang ma-discover kung ano talaga ang special ability ko, para madali akong makapili ng mga club.
Nilingon ko uli iyong kambal at napangiti, "Thank you sa pagsasabi sa akin sa mga club na puwede kong pasukan."
"No problem, Xhiena. You know, we're always here for you." sabi ni Ulvia kaya mas napangiti ako.
Nang matapos ang school hours at nasa Dormitories na ako ay gumugulo parin sa isip ko iyong tungkol sa pagsali ko sa kahit na anong club, at pati na rin iyon iyong Phantom Club na sinasabi ni Ulvia.
Paano nga kaya kung totoo ang club na iyon? Nandoon nga kaya si Zynon?
Napayakap ako sa unan ko at napapikit.
Isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Hindi ko alam pero, gusto ko na siyang makita uli. Gustong-gusto ko.
Hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo sa pisngi ko.
Kaagad akong napadilat at pinahid ang mga luhang iyon.
Ano bang nangyayari sa akin? Nahihibang na ba ako? Bakit ako umiiyak?
Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa unan ko at doon sinigaw lahat ng frustrations ko. Fudge! Ano bang mayroon sa akin?!
No, ano bang mayroon sa Zynon na iyon, at nalulungkot ako?!
Bumuntong hininga na lang ako.
Baliw na nga yata ako.
Pinikit kong uli ang mata ko. Unti-unti na akong nakakatulog nang maramdaman ko ang mainit na hininga sa batok ko dahil nakadapa ako sa kama.
Mabilis akong napabangon at inilibot ko ang paningin ko sa madilim kong kuwarto.
Nangunot ang noo ko habang mabilis ang pagtibok ng puso ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko saka napakagat ng labi.
Naramdaman ko siya.
Pero, saan siya nagpunta?
Humugot ako ng hininga bago muling humiga sa kama ko. Hindi ako nagkakamali.
Nandito si Zynon kanina. Naramdaman ko siya.
Naamoy ko pa ang pamilyar niyang pabango.
Simula nang mangyari ang blood contract na iyon, naging mas aware na ako sa presensya niya, maski sa amoy niya. Alam na alam ko na.
Nalamukos ko na lang ang bedsheet ng kama at napapikit.
Bakit ayaw niyang magpakita sa akin?
Nagising ako kinabukusan na mabigat ang katawan ko. Tamad na tamad akong naghanda para sa school.
Nang makarating na ako sa South Wing, marami na rin ang nagmamadali sa pagpunta sa mga klase nila, at gaya ko, kung hindi pa ako magmamadali, within five minutes ay male-late na ako.
Pero may mali sa araw na ito. Para bang wala akong pakialam kung ma-late man ako. Ni walang katiting na sigla o adrenaline sa katawan ko para takbuhin ang class room dahil male-late na ako.
Napahawak na lang ako sa ulo ko.
Ano nanaman bang nangyayari sa akin?
Napakapit na lang ako sa pillar na malapit sa kinaroroonan ko para sa suporta nang makaramdam ako ng bahagyang pagkahilo.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...