Chapter 15: The Curse of Abductions
Napatingin ako sa paligid at hindi ko mapigilang mamangha. Wow. Nasa loob nga talaga kami ng libro.
Makulimlim ang langit, mamasa-masa rin ang kalsada at mayroong mga nagmistulang mga tindahan, pati mga stalls na parang inabanduna na. Sira-sira rin ang mga iyon.
Sobrang tahimik kaya naman nanindig ang balahibo ko.
Napalingon ako kay Zynon na nagsimula ng maglakad, kaagad ko naman siyang sinundan. Nakapamulsa lang siya habang diretsong nakatingin sa kawalan at parang naglalakad pa sa buwan sa sobrang relax niya.
"Zynon, alam mo ba kung saan tayo pupunta?" basag ko sa katahimikan pero hindi niya man lang ako nilingon sa halip ay apat na salita lang ang isinagot niya sa akin.
"Don't have an idea."
Napatigil ako at halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.
"Ano?! Eh, anong gagawin natin?! Kailangan nating matapos 'yung kung anumang misyon natin dito para makabalik tayo agad." sabi ko at nagsisimula ng mag-panic. Oh my god, may chance pa ba talaga kaming makabalik?
Tumigil naman siya sa paglalakad at binalingan na ako.
"I'm not that stupid. Stop freaking out." tapos naglakad na siya uli.
Napabuntong hininga na lang ako at no choice kundi sundan siya. Like may magagawa pa ba ako, eh siya rin naman ang dahilan kung bakit dito kami napunta?
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Medyo kinakabahan din ako dahil sobrang tahimik talaga, tanging mga tunog ng sapatos lang namin habang naglalakad ang maririnig.
Marami rin kaming nadaanang mga shops na sarado at mga paninda na nagkalat na sa kalsada.
Tapos naramdaman ko na lang na hinawakan ni Zynon 'yung kamay ko at hinila ako sa pader sa isa sa mga shop para magtago.
"Anong meron?" bulong ko sa kaniya kaya tinakpan niya kaagad 'yung bibig ko. Crap. Hindi ako makahinga. Nasakop ng kamay niya pati ilong ko.
Tapos natigilan na lang kami pareho nang makarinig ng mga mabibilis na yapak. Napasilip kami pareho sa pader para tignan 'yung paparating.
Nakita namin ang isang babae na mabilis na tumatakbo habang may yakap siya na nakabalot sa isang lumang damit. Pinaliit ko pa 'yung mata ko para matitigan ng mabuti kung ano 'yung yakap-yakap niya pero balot na kasi 'yun at medyo may kalakihan.
Wala na siyang suot na anumang sapin sa paa at gulo-gulo na ang buhok niya habang panay ang pagtulo ng luha niya. Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya.
"Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw niya, pero nag-echo lang ang boses niya sa buong downtown.
At hindi namin inaasahan ni Zynon ang sumunod na nangyari. May isang bagay na mabilis na bumulusok papunta sa babae.
Isang arrow.
Sa isang kurap ay tinamaan nito ang babae sa likod, habang nanlalaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat.
Pinanood namin ni Zynon kung paano lumabas ang napakaraming dugo sa bibig ng babae at mabilis siyang nabuwal sa kinatatayuan niya.
Dahil doon, ay nabitawan niya ang bagay na yakap niya, saka nawala ang pagkakabalot ng damit doon.
Mas napalaki ang mata ko nang makita ang halos mag-iisang taong gulang na bata na siya palang nababalot ng damit kanina.
Agad itong napaiyak. Kasunod nun ay narinig uli namin ni Zynon ang tila mga yapak ng mga kabayo na mabilis na papunta sa kinaroroonan ng sanggol.
Ilang segundo pa ay nakita na nga namin ang limang kabayo na may lulan ng lima ring mga kalalakihan na nakasuot ng mga armor, may mga dala silang espada, latigo at pana.
BINABASA MO ANG
Vampire High
FantasyXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
