Chapter 7: Green EyesSinigurado kong sobrang layo ko na sa kinaroroonan ko kanina bago ako bumagsak dahil sa sobrang pagod.
Tumingala ako at ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko. Nakita ko ang langit na maliwanag parin pero natatakpan ito ng mga nagtatayugang mga puno kaya medyo madilim ang kinaroroonan ko.
Nang maalala kong iniwan ko si Zynon, hindi ko maiwasang mag-alala. Okay lang kaya siya? Natalo niya kaya 'yung mga lalaking 'yun?
Then, nag-flash sa isip ko na siya nga pala ang pinakamagaling sa buong school. Napailing na lang ako. Hindi ko na kailangang mag-alala.
Tinignan ko 'yung flag sa bulsa ko at napalaki 'yung mata ko nang makitang wala 'yun doon. Oh, fudge!
Agad akong napatayo at tinignan ang paligid. Oh my! Nasaan na 'yung flag?! Nalaglag ba habang tumatakbo ako?!
The heck, Xhiena?! Bakit ba ang malas-malas mo talaga? Kung nahulog ko 'yun habang tumatakbo, parang ang labo ng makita ko pa 'yun, baka may nakakita na.
Napatampal na lang ako sa noo ko. Ghad, Xhiena!
Tinignan ko uli 'yung bulsa ng armor ko at wala talaga. Napahinga ako na lang ako ng malalim. Tama, hindi dapat ako sumuko. Kailangan ko 'yung hanapin, anuman ang mangyari.
Nagsimula akong maglakad pabalik sa dinaanan ko habang tumitingin-tingin sa paligid nang may humarang sa akin.
Si Gwen.
Nakasuot siya ng red armor.
It means...kalaban siya.
"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong niya sa akin at napangisi.
Halos lumubog ako sa lupa nang makita ang flag na hawak niya.
Paano napunta sa kaniya yun?
"I know you're wondering how I got it. But it's so obvious. Your guard is down, and you're weak." sabi niya na may halong pag-iinsulto.
Pinaglaruan niya sa kamay niya 'yung flag na kanina ko pa prino-protektahan.
"Do you think, you belong here? Bakit hindi ka pa bumalik sa mundo mong wala namang kwenta."
Doon na ako napuno at nagngitngit ang ngipin ko dahil sa inis.
"Mundong walang kuwenta? Hindi mo alam ang sinasabi mo! You've never been there before!" sabi ko at naikuyom ang mga palad ko.
"Of course I do know. Kahit pa hindi pa ako nakapunta sa mundong iyon, alam na alam ko. It's a world where a bunch of losers are living."
"Bawiin mo 'yung sinabi mo at ibigay mo sa akin ang flag!"
"Why would I? Ano ka, sinuswerte? Well, you're a human, after all. Hindi mo kilala kung sino ako, at ano ang kaya kong gawin. I could kill you with just a snap of my fingers, don't you know?" naglalaro sa labi niya ang mapang-uyam na ngisi.
Yes, she's beautiful. But I didn't know that her personality is a trash.
"Oo, hindi kita kilala. Pero isa lang ang alam ko sa'yo dahil sa pinapakita mo sa akin ngayon. You're a bitch!"
Pagkasabi ko nun ay naramdaman ko kaagad ang malakas na pagtama ko sa trunk ng isang puno dahilan para mapapikit ako sa sakit. Tapos sunod na naramdaman ko ang mahigpit na pagsakal niya sa leeg ko.
Naluluha kong idinilat ang mga mata ko para tignan siya at kitang-kita ko ang labis na galit sa mata niya.
"How dare you?! How dare you, call me a bitch, huh?! You're just a weak freaking human trash!" sigaw niya at naramdaman ko ang mas paghigpit ng pagkakasakal niya sa akin. Unti-unting kong naramdaman ang pagka-ubos ng hangin na pilit kong nilalanghap.
BINABASA MO ANG
Vampire High
مصاص دماءXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...