Chapter 65: Heraldic Cross
Anice's Point of View.
Parang tumigil ang oras. It was as if my breathing came to halt.
Bumagsak ang wala ng buhay na katawan ng lalaking rogue na pumana kila Zynon. Pero kasabay din nun ay ang pag-iwan sa amin ni Xhiena.
Hindi kami nakagalaw.
Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Zynon na mahigpit na yakap ang katawan ni Xhiena.
Bawat luha at hagulgol ni Zynon ay parang kutsilyo na sumasaksak sa puso ko. Dahil patunay lang iyon, na wala na siya. Wala na si Xhiena.
Nanghihina akong natulos sa kinatatayuan ko at mas napaluha.
Nanlamig ang buo kong katawan, kahit na nakikita ko na ang unti-unting paglamon ng apoy sa kagubatan.
"Z-Zynon..." sinubukang tawagin ni Luigi si Zynon pero nanatili lang siyang mahigpit na nakayakap kay Xhiena habang patuloy na nakikiusap na bumalik siya sa amin.
"Anice," tinawag ako ni Luigi at nakita ko na rin ang luhang umaagos pababa sa pisngi nya, "Kailangan na nating umalis."
Napailing-iling ako. Parang hindi ko na kayang tumayo. Nakakapanlumo. Nakakapanghina. Hindi ko matanggap na nalagasan kami ng isa.
Napatakip ako sa mukha ko at doon mas napahikbi.
Bakit kailangang mangyari ito? Mali ba talaga ang desisyon na sumali kami sa tournament na ito? Kung hindi kami sumali, baka buhay pa si Xhiena. Sana buo pa kami.
"Zynon, we need to go."
Napatingin ako kay Gwen na walang emosyon ang pagmumukha. Paano niya iyon nagagawa? Alam kong wala silang maayos na relasyon ni Xhiena, pero ganoon na ba talaga kalala ang galit niya?
Napatigil sa pagluha si Zynon at nakita ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.
"Leave me. Escape this place."
Parang may bumara sa lalamunan ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kaniya.
"Zynon, ano bang sinasabi mo? Hindi ka namin iiwan dito," halos pumiyok na ako dahil sa kakaiyak.
"I said, just go. I can't live without her. I can't," mariin na sabi niya kaya dismayado akong napailing.
"Hindi pupwede. Sa tingin mo, matutuwa si Xhiena sa mga sinasabi mo? Para mo na ring binalewala ang pagkakamatay niya! Kaya ka niya niligtas kasi gusto niyang mabuhay ka, tapos heto ka at magpapakamatay? Akala ko, matalino ka, Zynon! Anong nangyayari sa'yo?!" patuloy ang pagtulo ng luha ko habang sinasabi iyon. Hindi ko mapigilang mas masaktan. Dahil ayokong mawala din siya sa amin.
I can't stand to lose another friend. Not again.
"Then, tell me, how will I continue to live?!" nagngingitngit sa galit na sabi niya, "She is the only one that I have! She's the only one for me! Anong gagawin ko? Kasi ang sakit sakit na! Damn it, tell me! Tell me so I can stop from hurting!"
Napailing-iling ako habang pinapanood siyang magwala.
Ibang-iba na siya sa Zynon na nakilala ko. Ang dating walang emosyon na Zynon. Si Zynon na siyang tumatayong leader namin. Kitang-kita ko ang unti-unting pagguho ng mundo niya sa harapan ko mismo.
Muli niyang niyakap si Xhiena at hinalikan ito sa noo habang umaagos ang luha niya. Hinawakan niya si Xhiena na parang isang babasaging bagay, na parang anumang oras ay tuluyan na itong maglalaho sa bisig niya.
BINABASA MO ANG
Vampire High
WampiryXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
