Chapter 45: The Rogues
Napahinga ako ng malalim at napatingin kay Professor George.
"Professor, sasali ako."
Napatingin sa akin sila Anice at Luigi.
"Xhiena, pag-isipan muna natin ito," lumapit kaagad sa akin si Anice. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala, "Isa pa, hindi mo alam kung gaano kadelikado ang laro na iyon."
"Pero, Anice. Kung hindi tayo sasali, sino ang magpo-protekta sa portal? Hindi ba't trabaho natin iyon? At isa pa, hindi ko kakayaning mabuksan iyon ng kung sinumang may masamang balak. Maraming importanteng tao para sa akin ang nasa mundo ng mga mortal, kaya hindi ako puwedeng tumunganga na lang. Kahit delikado, basta maging ligtas sila."
"Then, I'll join too."
Napatingin uli kami kay Zynon.
"If you want to win the game, you need strong groupmates."
"Kung ganun, sasali na rin ako." sabi pa ni Luigi kaya napalaki na rin ang mata ako.
"Luigi.."
Napangiti na lang siya, "Okay lang, Xhiena. Kung matapang kang sasali sa larong iyon, hindi ba't ang duwag ko naman para hindi rin sumali? At isa pa, tama ka, may trabaho tayo at iyon ang protektahan ang portal, kaya nga tayo naging phantom, eh."
Dahil doon, ay napangiti na rin ako.
"Sige, sasali na rin ako!"
Lumingon ako kay Anice at hinawakan niya ang kamay ko.
"Basta, Xhiena. Mangako ka, na kahit anong mangyari, magiging ligtas ka. Magiging ligtas tayong lahat."
Napatango-tango ako. Alam kong natatakot siya.
"Hindi mo naman kailangang gawin ito, Anice kung natatakot ka." sabi ko.
"Hindi. Gusto ko ring sumama. Gaya nga ng sabi ni Luigi, phantoms tayo at hinding-hindi ako nang-iiwan ng kaibigan. Kaya kung sasali kayo, sasali ako."
"Salamat, Anice."
"Kung ganoon, kulang na lang tayo ng isa pa."
"Si Gwen." sagot ni Luigi na nakangisi na, "Alam ko namang sasali iyon kahit hindi na tanuningin pa."
"Kung ganoon, okay na tayo. But the question is, Professor George, will you allow us to join the tournament?" tanong ni Zynon kaya tumingin kami kay Professor George na seryosong-seryoso na ang mukha.
"Hindi pupuwede ang mga gusto niyo."
"Pero, Professor—"
"You know nothing, Miss Corpuz. Oo, mayroon kayong lakas ng loob na sumali sa game. Pero delikado iyon. Dahil ang nananalo sa larong iyon, ay ang mga nananatiling buhay sa laro."
Naikuyom ko na lang ang mga palad ko at taas noong tumingin sa kaniya.
"Gagawin ko ang lahat, Professor. Mananatili akong buhay. Oo, madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero ano pong magagawa ko? Gusto kong protektahan ang mundong kinalakhan ko."
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
