Chapter 61: The SeekingNanghihina kong iminulat ang mga mata ko. Nanatili lang akong nakasandal sa malaking trunk ng puno.
Nilibot ko ang paningin ko at madilim parin ang paligid.
Hindi ko na maramdaman ang balikat ko, kahit ang sakit na dulot nun. Ang alam ko lang ay nilalamig ako at nanghihina.
Gusto kong magpahinga. Gusto kong matulog.
Pero alam ko na kapag pinikit ko pa uli ang mga mata ko, baka hindi na ako magising.
Naramdaman ko ang pagdausdos ng luha pababa sa pisngi ko.
Hindi pa ako pupwedeng mamatay. Hindi pa ngayon.
Sinubukan kong huminga ng malalim at ginamit ko na ang natitira kong lakas para makatayo.
Halos matumba ako uli pero naitungkod ko ang natitira kong braso sa trunk ng punong kinasasandalan ko.
Kaya mo 'to, Xhiena. Kaya mo 'to. Hindi pa ako pupwedeng mamatay. Kailangan ko pang matulungan sila Anice.
Napahawak ako sa balikat ko at nagsimulang humakbang pasulong.
Hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa kanila, pero sana, ayos lang sila. Malaman ko lang na ligtas sila ay ayos na ako. Makita ko lang sana sila sa huling pagkakataon.
Ayos na ako.
Kahit na pakiramdam ko ay babagsak uli ako sa lupa ay tinatagan ko ang mga nanginginig kong paa.
Kailangan kong maglakad. Kailangan kong makalayo rito.
Natigilan na lang ako at biglang napasuka ng dugo. Nagsimulang umikot ang paligid ko.
Hindi puwede. Naikuyom ko ang kamay ko at nangngitngit ang ngipin ko. Huwag muna, pakiusap. Huwag muna.
Mas napasuka pa ako ng dugo at unti-unti na ngang napaluhod ang isa kong tuhod sa lupa. Mas napaluha ako.
Napatingin ako sa dugo ko na bumabalot sa lupang kinaroroonan ko. Nagsimulang magdilim ang paningin ko.
Pero para akong nabalik sa kasalukuyan nang may maramdaman ako sa paligid.
Dahan-dahan akong napaangat ng ulo at tinignan sa huling pagkakataon ang paligid na nababalutan parin ng kadiliman.
Kahit na hilong-hilo na ako ay malinaw sa pandinig ko ang mabibilis na mga yabag na parang tumatakbo. Hindi lang isa. Kundi dalawang tila mga mababangis na hayop ang papalapit.
At habang patagal ng patagal ay mas lumilinaw ang mga presensya nila.
Mga rogue.
Napatingin ako sa braso ko at mahinang napamura. Dahil sa dugo ko, kaya nahanap nila ako.
Nakagat ko na lang ang labi ko at napahinga ng malalim kasabay nun ay naramdaman ko na ang mga presensya nila.
Iyong isa ay nasa likuran ko habang ang isa pa ay nasa kanan ko.
"Nahanap ka na rin namin, Kezia."
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampirosXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...