Chapter 49: Dark Fate

25.4K 1K 85
                                        


Chapter 49: Dark Fate

Dahan-dahan kong inangat ang hintuturo ko at lumutang paitaas iyong tubig sa baso.

Hindi ko inaakala na may ganito akong kakayahan. I could manipulate the four elements. Iyon daw ang special skill ng bampirang may rainbow eyes.

Pero gaya ng sabi ni Mister Rem, hindi lang ang special skills ang kailangan naming pagbutihin. Pati na rin ang isip at puso namin.

Pumitik ako sa hangin at bumagsak uli ang tubig sa baso nang hindi natatapon.

Muntik naman akong mapaiktad nang makarinig ako ng palakpak.

Nilingon ko si Luigi na kagigising lang pala at kanina pa ako pinapanood.

"Nice, nice," sabi niya habang nakangisi sa akin kaya napailing na lang ako.

"Maayos mo ng nakokontrol ang special skill mo, Xhiena. Kaunti na lang."

Tumabi siya sa akin at kinuha iyong baso saka inasang lagok.

"Bakit mo ininom?" asar na tanong ko nang ilapag nya ang baso na wala ng laman.

"Nauuhaw ako, eh. Bakit ba?"

"Bahala ka nga diyan," sabi ko at tatayo na sana nang magsalita pa siyang muli.

"One week na lang."

Napatingin ako sa paa ko saka napahinga ng malalim.

One week na lang bago ang Venour Tournament at habang papalapit iyon ng papalapit parang may kadenang sumasakal sa aming lima.

Nilingon ko siya sa uli at nginitian, "Mag-ayos ka na nga. May training pa tayo mamaya."

Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya at lumabas ng Safe House. Gusto kong makausap iyong kambal. Naging focus na kasi ako sa pagte-training nitong nakaraang mga linggo at hindi ko na sila nakakausap. Siguradomg nagtataka at nagtatampo na iyong dalawang iyon.

"Ulvia, Ulvette!" nakangiting tawag ko sa kanila nang marating ko ang Dining Hall.

Napatigil sa pagsubo si Ulvette at mabilis na napatayo si Ulvia, kasunod nun ay naramdaman ko ang malakas na pwersa ng pagyakap niya. Muntik na akong na-out of balance doon kaya napatawa na lang ako.

"Xhienaa! Saan ka ba nagpupupunta?! Tinanong ka namin kay Professor George at sabi niya na may pinapagawa siyang assignment sa'yo kaya wala ka nitong mga nakaraang linggo! Ba't hindi ka man lang nagsabi? At ano ba iyong pinagawa sa'yo ni Professor George? Delikado ba? Nasaktan ka ba? Kumain ka na ba? Gusto mo ilibre kita? Na-miss mo ba kami?"

Napanganga na lang ako.

"Ulvia, ano ba?! Huminahon ka nga!" napatigil lang siya nang sawayin siya ng kambal niya at hilahin pahiwalay sa akin, "Sa tingin mo ba, masasagot ni Xhiena lahat ng tanong mo ng sabay-sabay?"

"Sorry naman," nguso niya kaya napangiti na lang din ako.

"Okay lang. Sorry talaga dahil hindi ko na kayo masyado nakakausap. Pero, babawi ako sa inyo, promise!"

"Siguraduhin mo lang, Xhiena," nakangising sabi pa ni Ulvia kaya napatawa ako uli.

"Oo naman."

Nagkuwentuhan lang kaming tatlong buong lunch time, at masasabi kong isa iyon sa pinakamasayang oras sa buhay ko.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon