Chapter 22: Zynon Carter

46K 1.7K 158
                                    


Chapter 22: Zynon Carter

Ang huli kong naalala ay mahigpit kong yakap si Airies na wala ng buhay, ramdam ko rin ang mga braso ni Zynon sa akin.

Pero ilang segundo pa ang lumipas ay naramdaman ko na ang pagbalik namin, unti-unting nagliwanag si Airies at para siyang isang babasaging bagay na nabasag at naglaho.

Ganoon din ang kinaroroonan namin, pati na ang buong bayan.

Lahat naglaho.

Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa class room, nakita ko ang malaking hour glass at ang pagpatak ng huling mga buhangin nun.

Nasa harapan ko rin ang libro na nakabuklat sa pinakahuling pahina at nabasa ko ang mga salitang dahilan para pumatak uli ang aking mga luha.

The End.

Mabilis akong napayuko sa lamesa ko at doon napaiyak. Pinipilit kong umiyak ng mahina pero namalayan ko na lang ang sarili kong humihikbi.

Hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko kaya.

"Xhiena.." narinig ko pa ang boses ng kambal at sinimulan nilang hagurin ang likuran ko, "Xhiena, tahan na.."

Niyakap ko na lang ng mahigpit ang libro at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

My Airies, she's gone. She died, and that's the end of the story.

Siguro may mga kuwento talagang hindi man masaya ang katapusan, pero iyon ang kuwentong tatatak sa puso mo at hindi mo makakalimutan kahit kailan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak doon, pero nanatili lang sa tabi ko sila Ulvia at Ulvette hanggang sa tumahan ako.

"Okay ka na ba, Xhiena? Gusto mo bang kumain? O kaya naman, gusto mo bang mamasyal? Walang pasok bukas, kaya puwede tayong pumunta sa isang bayan na malapit dito sa school. Lahat ng estudyante ay pinapayagang pumunta doon tuwing walang pasok para mamasyal." tuloy-tuloy na sabi ni Ulvia, kaya mapait na lang akong napangiti at pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata ko.

"Salamat sa alok, Ulvia. Pero ibabalik ko na lang siguro muna ang librong ito kay Professor." sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo.

Lumabas ako ng room at kaagad na dumiretso sa West wing. Isinauli ko kaagad ang libro at humingi ng tawad dahil sa kasalanang nagawa namin ni Zynon, saka ko rin ipinangako na hindi na iyon mauulit.

Nang makalabas na ako ng West Wing ay pupunta na sana ako sa Dormitories nang makita ko si Zynon.

Naglalakad siya papunta sa gubat kung nasaan ang North Wing. Naalala ko naman ang sabi ni Ulvia, na siya lang daw ang nakakapasok at labas doon ng walang kahit na anong galos.

Ikinuyom ko na lang ang mga palad ko saka siya sinundan.

Bumungad sa akin ang madilim na gubat. Kumpara sa School Forest na nasa gitna ng eskwelahan ay mas madilim ito, at mas nakakapanindig balahibo.

Siguro nga dapat hindi ko na sinundan si Zynon.

Napabuntong hininga na lang ako at maglalakad na sana pabalik nang marinig ko ang pamilyar niyang boses.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon