Chapter 39: Cursed
Pagkarinig ko sa mga salitang binitawan ni Perk ay kusang nanghina ang mga tuhod ko.
Mabilis akong napaluhod sa sahig at ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan.
"Xhiena—"
"Huwag." matigas na sabi ko habang nakayuko, "Huwag mong sabihin sa akin. Huwag mong sabihin kung sino ako."
"Sigurado ka ba?" rinig kong tanong niya kaya dahan-dahan akong tumango
"Xhiena.." mabilis akong dinulugan ni Luigi kaya tipid ko na lang siyang ngitinitan nang makita ko iyong nag-aalaa niyang mukha.
Hindi bagay sa kaniya.
"Gusto kong ako mismo ang makatuklas kung sino ako." tinignan kong muli ng diretso si Perk, "Sana maintindihan mo ako."
Napatango-tango siya, "Kung iyan ang gusto mo. Pero sana lagi mong tatandaan, nandito lang kami. Hindi na lang iyong kambal ang kaibigan mo, kaibigan mo na rin kami."
"Maraming salamat," sabi ko at nginitian siya.
Pagkatapos ng tagpong iyon ay tinulungan na rin namin sila ni Luigi na makaalis sa North Wing ng walang nakakapansin.
Doon tuluyang natapos ang gabi.
Pumunta na rin kami ni Luigi sa kaniya-kaniya naming kuwarto, at nang mahiga ako sa kama ko ay unti-unti ng sumisikat ang araw.
Bumangon na lang uli ako sa kama ko at tinignan ang pagsikat ng araw.
Ang akala ko, ang araw ay nakamamatay sa mga bampira. Pero sa mundong ito, para bang napakalayo ng araw, dahil kahit nakikita mo itong sumisikat at lumulubog ay hindi mo naman nararamdaman ang init nito.
Napabuntong hininga na lang ako saka bumalik na sa kama at tuluyan ng natulog.
Someone's Point of View.
Malakas na bumukas ang pintuan ng mansion at hindi ko mapigilang mapangiti nang malanghap ko ang pamilyar na pabango niya.
Kusang nag-apoy ang mga kandila na nagsisilbing mga ilaw sa paligid.
Pinakinggan ko ang mga yabag niya na papalapit sa akin bago ko siya nilingon.
Gaya ng dati ay matalim ang mga mata niya na katulad ng akin, magkasalubong ang mga kilay. Pero kaagad kong napansin ang sugat sa may pisngi niya.
Nakakagulat lang na may sugat siya doon, samantalang alam na alam kong iyon ang pinakaiingatan niyang parte ng kaniyang katawan.
"Nagagalak akong umuwi ka sa unang pagkakataon, anak." wika ko sa kaniya kaya nakita ko siyang mas nainis.
"Huwag na huwag mo akong tatawaging anak. Hindi kita ama."
Napatawa ako dahil sa naging sagot niya, "Nasasaktan ako dahil palagi mo iyang itinatanggi."
Nakita ko naman siyang napaismid at gumuhit ang mapang-uyam na ngisi sa labi niya, dahil doon mas naaaliw ako sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
