Chapter 26: North Wing
Natulos ako sa kinaroroonan ko at nanlamig ang buo kong katawan. Ni hindi ko man lang namalayan na umalis na pala ang dalawang bampirang iyon.
"Xhiena.."
Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Zynon.
"H-huh?"
"Im asking you, what are you doing here?"
Dahan-dahan na lang akong napailing at napapikit ng mariin. Nandoon parin iyong mabilis na pagtibok ng puso ko, nandoon parin iyong kaba, iyong takot.
Alam ba niya? Alam niyang nasa itaas kami ng puno ni Zynon? Paano?
"Xhiena, are you even listening?"
"H-huh?"
Napasuklay na lang siya sa buhok niya at mahinang napamura bago muling tumingin sa akin.
"S-sorry." iyon na lang din ang lumabas sa bibig ko.
Tapos sa isang kurap ay napatulala na lang ako nang makitang nasa ibaba na uli kami ng puno, at marahan na niya akong ibinababa mula sa pagkakabuhat niya sa akin.
Napatulala ako. That was surely...fast.
"You have to go back now. Lagpas na ng curfew kaya dapat hindi ka na lumalabas pa." sabi niya uli sa akin kaya napayuko ako.
"I'm sorry."
"Stop apologizing. You're being a nuisance."
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya at napatingin uli sa mukha niya, "A-anong sabi mo?"
"Just go back."
Tapos mabilis na niya akong tinalikuran pero kaagad ko rin siyang hinawakan sa braso para pigilan at doon ko nakita na nababalot ng bandage ang buo niyang braso.
"Anong nangyari sa braso mo?"
Nakita ko kung paano nag-igting ang panga niya at marahas na iwinaksi ang pagkakahawak ko sa braso niya na siyang mas ikinagulat ko.
"Ano bang ginagawa mo, Zynon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya, pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang walang emosyon, "Ano nanaman bang nangyayari? Bakit ka nanaman umaaktong ganito?"
"Acting like what? I've been like this before. What are you talking about?"
Nangunot ang noo ko at sinalubong ang mga mata niya. Naramdaman kong parang may kumirot sa dibdib ko.
"A-ano?"
"You know what, just go back inside. Marami pa akong gagawin." tatalikod na sana siya uli pero pinigilan ko siya uli.
"Gaya ng ano, Zynon?! Sabihin mo!" hindi ko alam pero tumaas na ang boses ko, maski ako ay nagulat sa sarili ko.
Hanggang sa dahan-dahan na lang akong napabitaw sa braso niya at bumaba ang mga mata ko sa lupa.
Oh, God! Ano bang nangyayari sa akin?
"Go back inside, Xhiena." narinig ko pa ang malamig niyang boses saka siya nagsimulang humakbang palayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/65766424-288-k987323.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampiroXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...