Chapter 8: DoberNanalo kami.
At nakakuha ng maraming points. Sabi ni Ulvia, ang target points this month ay 965,000.
Tapos dahil kanina ay nanalo kami, mayroon kaming 5,000 points at dahil sa bago pa lang ako, 'yun pa lang din ang points ko.
Paano ko naman kaya maabot 'yung target points na 'yun?
At isa pa, hindi parin maalis sa isip ko 'yung nangyari kanina. Nang makabalik kami sa room, hindi ko na nakita uli si Gwen. Si Zynon naman ay hindi ko rin mahanap, siguro dahil gaya nga ng sabi nila, bihira lang siya kung pumasok.
Lahat ng nangyari kanina, hindi ko inaasahang mangyayari at mararanasan ko sa buong buhay ko. Pero ngayon, totoong nangyayari kahit na anong paniwala ko sa sarili ko na baka isang malaking panaginip lang ang lahat ng ito.
"Xhiena, tara na sa Dining Hall!" sabi ni Ulvia sa akin na hyper parin. Tinanguan ko naman siya at nagpatianod na lang din sa kanilang dalawa ni Ulvette.
Pagkarating sa Dining Hall ay agad kaming namili ng mga kakainin. Nandoon na rin halos lahat ng mga estudyante. Normal naman ang mga pagkain nila rito, parang sa mortal world din. Pero, gaya ng sinabi sa akin ni Ulvia, hindi nga lang sila ganoon karami kumain.
Nang makahanap kami ng mauupuan ay nagsimula silang magkuwentong magkakambal sa akin ng kung ano-ano.
Pero dahil pre-occupied parin ang utak ko, nabalik lang ako sa kasalukuyan nang mag-snap si Ulvia sa mukha ko.
"Xhiena, sigurado ka bang okay ka lang? Kanina ka pa tulala?" tanong niya.
"Xhiena, kapag may problema sabihin mo lang sa amin, okay?" sabi namn ni Ulvette kaya napatango na lang ako. "Wala ba talagang nangyari kanina sa training?"
"Ah, wala. Wala naman. May iniisip lang talaga ako." sabi ko at nagsimula na uling kumain.
"Okay then. Kung 'yan ang sabi mo."
Nginitian ko na lang sila pareho.
Nang magdismissal na ay kaagad ng nagsipuntahan ang lahat sa dormitories para magpahinga at ganoon din ang kasalukuyan kong ginagawa.
Parang na-drain ang lahat ng lakas mula sa katawan ko dahil sa mga nangyari.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong napabagsak sa kama saka tumitig sa puting kisame.
Ano bang nangyayari sa akin?
Napapikit ako ng mariin.
Kanina pagkatapos na pagkatapos ng training ay kaagad kong tinignan sa salamin 'yung mata ko kung kulay green nga ba, gaya ng sabi ni Gwen. Pero normal lang naman ang kulay ng mga mata ko. Hindi ko talaga maintindihan.
Bumangon ako saka pumunta na lang sa may bintana. Binuksan ko 'yun at agad na pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Madilim na rin sa labas at wala na akong makitang kahit na anong ilaw mula sa school.
Napangiti na lang ako ng mapait.
Ano na kayang nangyayari kila Meredith at Aiko? Baka nag-aalala na 'yun dahil bigla na lang akong nawala. Kamusta kaya silang lahat?
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...