Chapter 30: Ground Zero

24K 1K 176
                                    

Chapter 30: Ground Zero

Nanatili lang akong nakatingin sa kanilang apat. They look like royalties. Ano nga bang ginagawa ko rito ngayon?

"Nakikita mo na ba ang pagkakaiba namin sa'yo, novice?" sabi ni Gwen sa akin habang mabilis niyang nilalaro ang mga dagger sa kamay niya.

Napayuko naman ako at napangiti ng mapait, "Alam ko naman iyon. Iniisip niyong lahat na isa lang akong hamak na trespasser sa mundong ito. Ano nga ba ang ginagawa ko rito? Wala naman akong kayang gawin, gaya nga ng sabi niyo. Thank you na lang sa maikling welcome party."

Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay dahan-dahan ko silang tinalikuran.

"Welcome party?"

Kusang tumigil ang mga paa ko nang marinig kong muli ang malamig na boses ni Zynon, walang katono-tono na nagpapakita ng emosyon. Siyang-siya.

"Did you think that this is a welcome party? We haven't even started."

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. May hidden meaning ang mga salitang iyon.

Napalunok ako at naramdaman ko ang paggapang ng takot sa sistema ko. Napatingin ako sa glass door na kinahaharapan ko, kitang-kita ko doon ang bukana ng gubat ng North Woods, sobrang dilim.

Narinig ko naman ang paghalakhak ni Gwen kaya mas nanindig ang mga balahibo ko.

Ano ba talagang nangyayari?

"You didn't still figured out, aren't you?" naikuyom ko ang mga palad ko sa muling pagsasalita ni Zynon.

"The moment you sign the contract of being a member of this club, you're already dead."

Nanlamig ang buo kong katawan.

Dahan-dahan akong pumihit para tignan sila at nagulat na lang ako nang makita na nakasuot na sila ng mga maskara.

"S-s-sino ba kayo?! Bakit niyo 'to ginagawa?!" halos pumiyok na ang boses ko dahil sa takot. Nanginginig akong napahakbang paatras.

Narinig ko uli ang mala-demonyong pagtawa ni Gwen, at sa isang iglap..

Halos tumigil ang puso ko.

Naramdaman ko ang pagkudlit ng hapdi at kirot sa pisngi, braso at maging sa binti ko dahil sa mabilis at sunod-sunod na pagbulusok ng mga daggers mula sa kamay ni Gwen.

"First strike!"

Mabilis akong napaluhod sa sahig habang nanatiling nakatingin sa kanila.

Tinignan ko si Zynon.

Nakasuot siya ng maskara at hindi ko maaninag ang mga mata niya pero pinilit kong titigan ang mga iyon.

Zynon....

"I already warned you. But you didn't listen. I broke the contract between us to keep you safe, but still, you let danger keep chasing you." iyon lang ang mga salitang narinig ko sa kaniya habang patuloy ang pagpatak ng mga dugo ko sa mga sugat ko, kasabay ng malakas na paghampas ng matalim na bagay sa sahig.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon