Chapter 48: How to Stay Alive
Nanatili lang akong nakatulala sa kisame habang nakahiga dito sa kama.
Feeling ko nangangawit na ang panga ko kakangiti ng walang dahilan. No. Meron pala.
"I'm so inlove with you."
Napadapa na lang ako at doon tumili sa unan ko.
Nakakainis!
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para akong hihimatayin nang sabihin niya sa akin iyon. Tatlong araw na rin ang lumipas at naging maayos na rin si Zynon, pero parang kanina niya lang iyon sinabi sa akin.
Ilang araw na ba akong bangag dahil doon?
Nakagat ko na lang ang unan ko habang nagngingingisay sa kama. Baliw na yata ako.
Napatigil ako sa pagiging maharot nang makarinig ako nang katok sa pinto.
Para akong nabalik sa realidad.
Napaayos agad ako at pinagbuksan iyon.
Bumungad sa akin si Anice na nakangiti at may hawak pang libro na hindi ko maintindihan iyong title na nasa cover. Para siyang nasa latin language.
"Anice, anong meron?" tanong ko.
"Kagigising mo lang ba?" tanong naman niya sa akin kaya napakunot ako ng noo. Itinuro niya iyong buhok ko na sabog na pala.
Nahihiya ko na lang iyong inayos sa harapan niya.
"Kailangan mo ng mag-ayos para sa training. Bumaba ka na mamaya sa training ground," may tipid sa ngiti sa labi niya.
Nagsimula na rin ang training namin para sa tournament at aaminin ko, muntik na akong maging bangkay dahil sa sobrang hirap at bubog sarado ng katawan ko. Pero masaya rin ako, dahil kahit papaano ay marami akong natutunan.
Ilang linggo na rin kasi, malapit na ang tournament at hindi ko rin maiwasan ang matakot o kabahan.
Napatango na lang ako sa kaniya.
"Sige, susunod na ako. Mag-aayos lang ako."
"Maghanda ka, Xhiena," sabi pa niya bago niya ako tinalikuran kaya bigla akong kinabahan.
Tungkol saan nanaman kaya ang warning na iyon?
Napabuga na lang ako ng hangin saka nagsimulang mag-ayos.
Nang okay na ako ay bumaba na rin ako sa living room at nakita ko si Luigi na mag-isang nakaupo sa couch at tulala sa kawalan.
Ano naman kayang problema nito?
Pumitik ako sa harapan niya kaya napatingin siya sa akin. Automatic na gumuhit ang ngiti sa labi niya.
"Anong problema mo?" nagtatakang tanong ko.
Umiling lang siya bago tumayo saka ako inakbayan.
"Tara na sa training ground," nakangiti na sabi niya kaya mas kumunot ang noo ko.
Ang weird niya talaga.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
