Chapter 54: Poisonous Tears

36.4K 1.4K 106
                                        

Chapter 54: Poisonous Tears

Sinundan ko iyong bata hanggang sa makarating uli ako sa isa nanamang dead end.

Lumingon ako sa paligid at mukha namang hindi pa magbabago ang maze kaya binalik ko ang tingin ko sa bata.

"Teka, bata, anong pangalan mo? Bakit mo ako tinatawag na Kezia?" tanong ko pero nanatili lang siyang nakatalikod mula sa akin.

"Bata—" natigilan na lang ako sa muling pagtawag sa kaniya nang parang may bumangga sa binti ko at nakita ko ang isa pang batang babae na mga nasa anim na taong gulang.

Sobrang ganda niya. Mahaba ang buhok at nakasuot ng isang kulay puting bestida. Putlang-putla rin ang balat niya na parang nyebe.

Kilala ko siya.

Siya iyong bata na nasa panaginip ko!

Lumingon sa kaniya iyong batang lalaki at natigilan ako nang makitang ang dami na niyang galos sa mukha at maging sa mga braso, samantalang kanina ay wala ang mga iyon.

Nakita ko kung paano ngumuso iyong batang babae sa kaniya at nagsalubong ang kilay nito.

"Sabihin mo, sinaktan ka nanaman niya, no?"

"Ano bang sinasabi mo? Umalis ka na nga lang!" masungit na sabi ng batang lalaki.

"Ayoko! Sinaktan ka nanaman niya, bakit ba kasi hindi ka na lang lumayo sa kaniya?! Hindi naman siya ang papa mo!"

Umiwas ng tingin ang batang lalaki at napayuko, "Hindi ko iyon puwedeng gawin, kailangan kong protektahan si Gwendolyn. Kapag umalis ako, siya ang sasaktan ng lalaking iyon."

Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa napapanood.

"Paano naman ikaw? Paano ka na? Lagi ka na lang nasasaktan," nagsimulang tumulo ang luha ng batang babae, "Nag-aalala kaya ako sa'yo!"

Nakita ko kung paano namula ang buong mukha ng batang lalaki kaya hindi ko maiwasang napangiti.

"K-Kezia! Bakit ka umiiyak? Nababaliw ka na ba?"

"Ikaw ang nababaliw! Nasasaktan ka na nga, hindi ka parin sumusuko! Bakit ka ba ganiyan?!" mas bumuhos ang luha ng batang babae at hindi na mapakali ang batang lalaki kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang ilabas ang isang bagay na itinatago niya sa likuran niya.

"Kezia!"

Nag-angat ng tingin ang batang babae at kusang tumigil sa pag-iyak nang makita ang isang flower crown na gawa sa mga puting rosas.

"Wow! Ang ganda!"

Inilagay iyon ng batang lalaki sa ulo ng batang babae at muling sumilay ang nakasisilaw na ngiti nito.

"Thank you! Thank you very much!"

"Huwag ka ng mag-alala, Kezia. Gagawin ko ang lahat para makatakas kami sa lalaking iyon, at sa araw na dumating iyon, totoong korona na ang ipapatong ko sa ulo mo. Dahil gagawin kitang reyna ko."

Naramdaman ko ang pagdausdos ng luha sa pisngi ko.

Bakit? Bakit ako naluluha?

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon