Chapter 46: Temporary Bliss

41K 1.7K 218
                                    

Chapter 46: Temporary Bliss


"Oh come on, Carter! Your property?! Stop kidding me! If she's your property, where's your mark? I can't see it!" mapang-asar na sabi nung lalaki kay Zynon.

Nakita ko kung paano magtagis ang bagang ni Zynon. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito. No, ngayon ko lang siya nakita uling mayroong emosyon.

Parang biglang naglaho na parang bula ang mga tila patay na tingin sa mata niya at napalitan iyon ng poot.

"Do I have to repeat myself? I said, get your fuckin' hands off her." nagngingitngit na sabi niya.

Napatawa lang naman iyong lalaki sa sinabi niya.

"No way, Carter! Why would I?" sabi niya habang hindi mabura-bura ang ngisi sa labi niya saka niya hinigit ang bewang ko papalapit sa kaniya kaya napasinghap ako sa gulat, "Why bother take my hands off her if I can see your face like that?"

"Sinusubukan mo ba ako?"

Mas lumapad ang ngisi ng lalaki, "You already know that, Carter. I won't let this chance to pass. Lalo na't alam ko na ang kahinaan mo."

Tapos nilingon niya ako.

"This girl will definitely taste good."

Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ko ang kamay niyang nasa bewang ko na nagsisimulang humagod paitaas at pababa.

Gusto ko siyang murahin ng murahin sa ginagawa niya. Oh, god! Bakit ba ito nangyayari sa akin?!

Sinubukan kong lingunin si Zynon sa kinaroroonan niya pero nagsimulang kumulog.

Lumubog ang araw at unti-unting dumidilim ang paligid.

Anong nangyayari?

Narinig ko na lang ang paghalakhak ng bwiset na lalaking may hawak sa akin. Binitawan niya ako at umayos ng tayo, pero nanatili parin ang ngisi sa labi niya.

"Seems like this girl can really show your true colors, huh, Carter."

Naramdaman ko na lang na parang nakahinga ako ng maluwag at kusa akong bumagsak sa lupa. Nagtaas-baba ang dibdib ko na para akong kinakapos sa hininga.

Napatingin ako sa mga kamay ko at doon ko napansin na nakakagalaw na ako.

Nagsimula akong tumayo saka tinignan si Zynon at halos mabuwal uli ako sa kinatatayuan ko nang makita ko siya.

Ang kulay pulang mga mata niya kanina ay naging purong itim at parang may mga kung anong aninong bumabalot sa kaniya.

"Z-Zynon.."

May nabuong mahabang aninong braso at kaagad iyong gumapang sa lupa at akmang aatakihin iyong lalaki pero sa isang kurap mabilis siyang naglaho at tanging ang nakakaasar na boses na lang niya ang narinig namin na nag-echo sa hangin.

"You're really are something, Carter. Just like you, I also want to kill you. But not today. Let's kill each other to the tournament. I'll wait for you, and I'll definitely kill you."

Napatulala na lang ako at naiwang nakaawang ang bibig.

Akamang babaling uli ako kay Zynon nang maramdaman ko iyong malamig na kamay niya sa braso ko.

"Zynon."

Malakas niya akong hinila at halos magkandatisod-tisod na ako sa bilis niyang maglakad.

Sobrang dilim na ng paligid na parang gabi na. Pero nawala na ang mga aninong bumabalot sa kaniya.

"Zynon, teka, Zynon, saan ba tayo pupunta?"

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon