Chapter 43: A Heatless Sun

27.9K 1.1K 186
                                        


Chapter 43: A Heatless Sun


Tumila na ang ulan at ramdam ko na ang malamig na hangin na nanunuot sa basa ko ng katawan.

Nakatingin lang ako sa wala ng malay na si Gwen na naliligo sa sarili niyang dugo.

"Anong nangyayari rito?!"

Napalingon ako kay Professor George at nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

"Miss Corpuz.."

"Xhiena!!"

Napalingon pa ako at nakita ko sila Luigi at Anice. Nanatili lang akong nakatulala sa kanila, hindi gumagalaw.

"Oh, damn! Anong nangyari?!" gulat na na tanong ni Luigi at sinimulang lapitan si Gwen.

Paulit-ulit siyang nagmumura ng mahina habang tinitignan kung buhay pa si Gwen o hindi.

Napatingin siya kay Professor George, "Professor, dadalhin ko na siya kay Nurse Charm! Malala ang lagay niya."

"Sige."

Pinanood ko kung paano binuhat ni Luigi si Gwen at mabilis na tumakbo papunta sa West Wing.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Anice sa balikat ko.

"Xhiena, anong nangyari? Ikaw ba ang may gawa kay Gwen nun? At..at iyong mata mo.." punong-puno ng pag-aalala si Anice na nakatingin sa akin.

Kusang gumalaw ang kamay ko at marahas na tinanggal ang kamay niya sa balikat ko saka lumayo sa kaniya.

Nakita ko pa kung paano siya nagulat sa ginawa ko.

"Xhiena.."

"Puwede ba, tumigil kayo?!" sigaw ko.

Natigilan ako.

"Miss Corpuz, I want you tell me what happened here." narinig ko pang sabi ni Professor George kaya nginisihan ko siya.

"Hindi mo ba nakita?! I almost killed her! Kung hindi pa kayo dumating dapat natuluyan ko na siya!"

Muli akong nanginig sa pinagsasasabi ko.

"Xhiena, ano bang sinasabi mo?!" napatingin uli ako kay Anice na magkasalubong na ang kilay pero natigilan din siya ulit nang matitigan  muli ang mga mata ko.

"Oh, puwede ba?! Huwag niyo akong tawagin sa pangalan na iyan! Nakakirita, eh." napabuga ako ng hangin at napairap.

"Miss Corpuz-"

"Ano nanaman ba?!"

"Watch your actions."

Napaismid ako sa sinabi niya at napailing, "At sino ka naman para utusan ako, huh?"

"Xhiena.."

"Like what I've said, stop calling me with that name!" bulyaw kong muli kay Anice kaya napaatras siya at nakita ko kung paano mangilid ang luha niya.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon