Chapter 27: End Meets Beginning
I-isang dragon..
Hindi ako makapaniwala. Nasa harapan ko ang isang itim na dragon.
B-bakit? Bakit nagkaroon ng dragon dito sa North Wing? P-paano?
"Walang sinuman ang nagtatangkang pumunta sa North Wing, at wala pang ligtas na nakakabalik sa kung sinuman ang nagbalak na pumunta."
Para ng namamanhid ang buo kong katawan sa takot habang yumanig uli ang lupa dahil sa muling paghakbang ng malaking dragon. Ang malalaki at malapad niyang mga paa na may nagtutulisang mga kuko ay nagdadala ng kilabot sa akin.
Pero ang mas nakapagpagulat sa akin ay nang makita ko ang isang pamilyar na babaeng nakasakay sa likuran ng itim na dragon. Hindi ko iyon napansin kanina dahil sa sobrang kadilimang bumabalot sa paligid.
Ang kulay brown na buhok niyang may malalaking kulot, at ang makapanindig balahibo niyang ngiti ang dahilan para tuluyang mapalaki ang mata ko sa pinaghalong takot at gulat.
Siya..
She's the School President, Gwen Ziffaro.
And she's looking down at me, like a queen on her very own throne.
"Are you surprised, novice?" may pang-uuyam ang boses niya habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin mula sa itaas, "Hindi ko inaakala na makikita kita sa lugar na tulad nito. Look at you, you're trembling in fear."
Napalunok ako nang mapaismid siya.
"Tell me, what choice do you want to take? I'll torture you first before killing you, or I would glady make it fast so you won't feel a single pain. Pick one." nakangising sabi niya at marahan pang hinimas ang ulo ng itim na dragon.
"P-paano..paano ka—"
"Oh, just choose already! O baka naman gusto mong pareho? I could do it if you want."
"B-bakit..bakit mo 'to ginagawa?" nakayuko kong tanong. Napapikit ako ng mariin at ramdam ko parin ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba.
So all along, siya ang nasa likuran ng lahat kaya halos ng estudyante ay halos patay na tuwing pumupunta sila rito at bumabalik. Paano niya iyon nagagawa sa kapwa niya estudyante?!
Napatingin uli ako sa kaniya at nagkaroon na ng talim ang mga mata ko.
"Bakit mo ginagawa ito? Ikaw ba ang dahilan kaya lahat ng nagpupunta dito sa North Wing ay halos patay na kapag bumabalik?!" nagpupuyos sa galit na sabi ko.
Ngumisi siya at parang hindi makapaniwalang napa-iling iling.
"Halos patay na? Are you kidding me? Why would I do that, huh? If I was the one you're talking about. I won't leave them half dead. I would kill them, definitely."
Naikuyom ko ang mga palad ko. "Bakit? Ano ang dahilan mo?"
Umikot ang mata niya dahil sa inis at nakita ko kung paano nagdilim ang mukha niya. "What else? Because I hate weaklings. They don't deserve to be here in this world. And you are one of them."
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
