Chapter 60: Final Stage

34.9K 1.3K 70
                                        

Chapter 60: Final Stage

Malapad ang ngiti ko habang nasa likuran ko si mama na nagsusuklay sa mahaba kong buhok.

"Mama, paglaki ko po ba magiging kasing ganda niyo ako?" nakangiting nilingon ko siya kaya bahagya itong napatigil mula sa pagsusuklay sa buhok ko saka niya ako sinuklian ng ngiti.

"Oo naman. Paglaki mo, mas maganda ka pa sa akin," sagot niya.

"Talaga po, mama?! Gusto ko ng lumaki! Gusto ko na pong maging mas maganda!" masigla ang boses ko ng sabihin ko iyon dahilan para mapatawa si mama.

"Huwag kang magmadali, darating din ang panahon na iyon, Kezia."

Napatango-tango na lang ako.

Pero pareho kaming natigilan ni mama nang makarinig ng ingay mula sa labas.

Kaagad na nabalot ng takot ang mukha ko bago tinanong si mama, "M-mama! Ano pong nangyayari?"

Mabilis niya akong binuhat habang nababakas na rin ang pag-aalala sa mukha.

"M-mama!"

"Huwag kang mag-alala, anak. Ililigtas ka ni mama. Magiging ligtas ka." pilit ang ngiting binigay sa akin ni mama, kasabay ng paglabas namin sa silid na kinaroroonan namin.

Napatigil na lang si mama nang sumalubong sa amin ang malaking apoy, dahilan para mapaiyak ako sa takot.

"M-mama..mama, natatakot ako.." humigpit ang naging pagyakap ko sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, magiging ligtas ka, Kezia. Makinig ka sa akin, kahit anong mangyari. Mahal na mahal ka ni mama. Palagi mo iyang tatandaan.."

Dahil doon mas napaluha na lang ako, "Mahal din kita, mama."

Mas lumakas pa iyong apoy at nagpatuloy pa iyong lumaki.

Nakarinig kami ng boses mula sa likuran at nakita ko ang pamilyar na lalaki na palagi kong kasama.

Si Dober, ang royal butler ng buong pamilya.

Kita ang labis na takot at pag-aalala niya sa amin.

"Mahal na prinsesa, mahal na reyna. Kailangan na nating makaalis rito. Nasusunog na ang buong manor," sabi niya.

Maagap niya kaming inalalayan palabas hanggang sa makalanghap kami ng hangin.

Kitang-kita ko ang apoy na unti-unting tumutupok sa buong bahay namin, at wala akong ibang nagawa kundi ang tahimik na mapaiyak.

Nang mapatingin ako kay mama, ay seryoso na ang kaniyang mukha bago muling nilingon si Dober.

"Dober, ikaw na ang bahala sa prinsesa. Kailangan kong bumalik sa loob."

Naalarma ang buo kong sistema at napayakap sa binti ni mama.

"Mama! Huwag po! Huwag niyo po akong iwan! Please po!"

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon