Chapter 20: The Destined
Zynon..Napatulala na lang ako dahil sa nangyari. Nabasag niya 'yung barrier.
Tinignan ko si Haring Exodus at nakita ko kung paano lumawak ang ngisi sa labi niya.
"Hindi ko inaakalang mayroong mga katulad ninyo ang naririto sa bayan na ito." nakangising sabi niya at napatingin sa kaniyang espada, "Pero, hindi niyo ako matatalo sa ganiyan lamang."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa latigo ko at mabilis na umatake sa kaniya pero bago pa man iyon lumapat sa katawan niya ay mabilis niyang iwinasiwas ang espada niya dahilan para magkapira-piraso ang mga vines na latigo ko. Umatras iyon sa palad ko at matalim na napatingin sa kaniya.
Mahina naman siyang napatawa dahil sa nangyari pero natigilan din siya nang makita si Zynon na pasugod sa kaniya.
Nakita ko kung paano niya nailagan ang dapat na malakas na suntok ni Zynon. Muli niyang iwinasiwas ang kaniyang espada, pero mabilis din iyong nailagan ni Zynon at napaatras.
Ni hindi sila masundan ng mga mata ko dahil sa mabibilis na paggalaw nila. Hanggang sa napasinghap na lang ako nang pareho silang napaatras sa isa't isa.
"Iyon lang ba ang kaya mo?" narinig kong pang-aasar niya kay Zynon, pero hindi siya nito pinansin at kaagad na muling sinugod.
Napapatawa na lang siya habang iniilagan ang mga atake ni Zynon. Napakuyom ako ng kamay dahil doon.
Kailangan ko ring tulungan si Zynon. Napatingin ako sa palad ko, wala na ang mga vines doon.
Natigilan na lang akong muli nang makita na tumalsik si Zynon.
"Zynon!!" tawag ko sa pangalan niya at mabilis siyang nilapitan. Nagtataas-baba ang dibdib niya dahil sa pagod, "Zynon.."
Pero malamig niya lang akong tinignan bago muling tumayo at sumugod kay Haring Exodus na parang hindi man lang napapagod.
Doon ako natauhan.
Hindi kaya..
Balak niyang pagurin si Zynon!
Napatingin ako sa paligid. Kailangang may gawin ako. Dumapo ang tingin ko sa espada na gamit niya. May kakaiba doon.
Tapos nakita kong tinamaan siya ng suntok ni Zynon sa mukha pero parang wala lang iyon sa kaniya, ni parang hindi siya nasaktan.
May kakaiba. Alam kong may kakaiba. Kailangan kong mahanap kung ano iyon?
Napatingin ako sa kinaroroonan ni Airies at ganoon na lang ang pagkabigla ko nang hindi ko siya makita doon.
Nasaan siya?!
Napatingin ako kila Zynon at napalaki ang mata ko nang magsimulang lumalabas ang napakaraming itim na usok doon.
"Die."
Saka niya iyon pinatamaan kay Haring Exodus, pero nakangisi lang niyang iniharang ang espada niya sa makapanindig balahibong itim na usok.
Mabilis iyong naglaho at nakita ko ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamay ni Zynon. Anong nangyayari? Bakit hindi siya tinatablan ng kung anong atake ni Zynon?
Nakita kong mas lumapad ang ngisi niya sa labi at hindi ko mapigilang magngitngit muli sa galit.
Pero natigilan na lang ako nang sa isang kurap ay isinaksak niya sa tiyan ni Zynon ang espada niya. Dumaloy ang napakaraming dugo doon.
Nanlaki ang mga mata ko.
Zynon..
Hindi pwede.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...