Chapter 44: Venour Tournament
Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang sinabi niya sa akin. Parang sirang plaka.
Hindi ko na rin masabi kung totoo nga ba iyon o baka imagination ko nanaman. Basta ang alam ko, pagkatapos niya iyon sabihin ay naiwan na lang akong tulala doon at nang matauhan ako, wala na siya.
"Xhiena, sigurado ka bang okay ka na?"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni Anice.
Napatango na lang ako bilang sagot.
Nasa living room na ako ngayon ng Safe House at hinihintay namin ni Anice si Professor George.
Humingi na ako ng tawad sa kaniya kaya naman gusto ko rin iyon gawin kay Professor George, dahil sobrang sama ng nagawa ko.
"Xhiena, kapag handa ka ng makipag-usap, please sana sabihin mo sa akin ang lahat."
Nginitian ko na lang siya ng tipid at tumango uli, "Salamat, Anice."
"Okay lang 'yun, at isa pa, magaling na rin si Gwen kaya huwag ka ng mag-alala."
Pinaglaruan ko iyong mga daliri ko nang marinig ko ang pangalan ni Gwen. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maipapakita sa kaniya. Muntik ko na siyang mapatay.
Napatigil naman kaming dalawa nang makita namin si Luigi na bumaba sa hagdan. Natigilan din siya nang makita niya ako.
Dahil doon, iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya.
Nanatili lang akong nakayuko. Hanggang sa naramdaman ko ang pagpatong ng isang kamay sa ulo ko.
Napatingala ako at nakita ko si Luigi na marahang nakangiti sa akin habang ginugulo nanaman ang buhok ko.
"Magaling ang ginawa mo, Xhiena."
"H-huh?"
"Napalabas mo ang special ability mo sa loob lang ng kaunting oras. Lagi ka na lang lumalagpas sa expectations ko. Ibang klase ka talaga." sabi pa niya saka mas lumapad ang ngiti niya.
Namalayan ko na lang na tumulo na ang luha ko saka niyayakap ko na siya ng mahigpit.
"Sorry, Luigi! Sorry, ang sama ko!" hikbi ko at naramdaman ko ang paghagod niya sa likuran ko.
"Nana-nantsing ka nanaman, eh." biro pa niya kaya naluluha na lang ako napatawa saka ako lumayo sa kaniya.
Narinig ko na ring napatawa si Anice sa aming dalawa kaya pinunasan ko na iyong luha ko at sinamaan ng tingin si Luigi na nakangisi.
"Baliw ka talaga!"
"Ang drama mo kasi!"
"It looks like everything had been taken care of."
Napatingin kaming tatlo sa pintuan at nakita namin si Professor George at si Zynon.
Kaagad akong lumapit kay Professor George at yumuko.
"Professor, I'm sorry! I'm sorry sa mga nagawa kong mali. I'm sorry dahil napagsalitaan ko kayo ng masama! I'm sorry po talaga! Tatanggapin ko po kahit anong kaparusahan niyo sa akin!" dire-diretsong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
