Chapter 42: Rainbow EyesTinignan ko lang si Gwen habang nakangisi sa akin. Hindi ko talaga malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
Bakit nanaman ba niya ito ginagawa?
"Alam mong hindi ako satisfied sa naging duel natin. Sinabi ko ring tatalunin kita sa susunod na nating laban, and this time for sure, I won't hold back." may diin sa mga salita nya habang halos tumagos na sa buto ko ang talim ng mga tingin niya.
Napahigpit na lang ako ng pagkakakuyom ng mga palad ko saka napatingin kila Anice at Luigi na habang patagal ng patagal ay tila mawawasak sa mga ngipin ng itim na dragon ni Gwen.
"I could crash them if you don't want to fight me. Madali naman akong kausap, Xhiena. And when I say my word, I won't take it back. So decide or they'll die." sabi niya at bumaling kila Anice at Luigi.
Nanlalamig na ako sa kinatatayuan ko.
Dahil una, hindi ko alam kung paano siya matatalo. Pangalawa, sila Luigi at Anice, ayoko silang masaktan.
"Gwen.."
"Nakapagdesisyon ka na ba?"
"Paano ba kita matatalo? Alam mo namang mas malakas ka sa akin." nakayuko kong sabi.
"Kaya sumusuko ka na ganoon ba?"
Hindi ko siya sinagot. Dahil una sa lahat, hindi naman talaga ako malakas, hindi ako matapang—
"You know what? Akala ko, okay ka."
"H-huh?" kaagad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at burado na iyong ngisi sa labi niya. Bakas ang disappointment sa mukha niya.
"Lahat ba ng pinakita mo sa akin noon sa duel ay isang kasinungalingan lamang? Iyong determination na nakita ko sa mga mata mo. Sabihin mo, Xhiena. Lahat ba iyon ay kasinungalingan lang?!"
Natigilan ako.
"I hate you. I really do," nagngitngitngit na sabi niya, "Dahil pinapakita mong mahina ka. You can't even save them."
Napalaki ang mata ko at napatingin kila Luigi at Anice.
"Kung ganoon, it's way better to kill them. Para makita mo, kung gaano ka kahina. Kung gaano ka kawalang kuwenta, Xhiena."
"G-Gwen, please huwa—"
"Onyx!"
Nagsimulang humakbang iyong dragon niya kaya halos mayanig ang lupa.
"Kill the both them!" walang emosyong sabi ni Gwen.
"Huwag! Gwen, ano ba?! Hindi mo 'to kailangang gawin! Sila Anice at Luigi—"
"I said, kill them, Onyx!" utos pa niya sa dragon niya at nakita ko kung paano unti-unting sumasara na ang bunganga ng dragon niya kung nasaan nandoon sila Luigi at Anice.
Parang namanhid ang buo kong katawan. Nagsituluan ang mga luha ko at napapikit.
"Huwaaaag!!"

BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...