Chapter 62: Worse Than Death

30.7K 1.2K 53
                                    

Chapter 62: Worse Than Death

Anice's Point of View

"Zynon.."

Hindi ako kaagad nakagalaw sa kinaroroonan ko pero nang muntikan na siyang matumba ay kaagad namin siyang inalalayan ni Luigi.

"Zynon, anong nangyari?" kaagad kong tanong.

Umigting ang panga niya at kita ko ang galit sa mga mata niya. Ito ang unang pagkakataon na nakitaan ko siya ng ganitong emosyon dahil lagi lang siyang kalmado sa lahat ng bagay.

"The rogues formed two teams to enter this tournament."

"Ano?!" muntik na akong mabingi sa pag-react ni Luigi kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Pero 'di ba bawal iyon?"

"Hindi ko rin alam kung paano nila iyon nagawa. Nalaman ko lang 'yun sa isa sa mga nakalaban ko. I thought I've already wiped them out here," mas nanginig ang nakakuyom niyang mga kamao at nababalutan nanaman iyon ng itim na tinta kaya nagsimula akong mag-alala para sa kaniya. Nakita ko ring inabot na ng itim na tinta hanggang sa leeg niya.

"Zynon, magpahinga ka kaya muna. Kapag nagpatuloy ka—"

"I need to find Xhiena," mahina niyang usal kaya nagkatinginan kami ni Luigi.

"Tutulungan ka naming hanapin siya, Zynon. Pati si Gwen, hahanapin natin silang dalawa. Kaya, magpahinga ka muna kahit sandali lang," pakiusap ko.

"I don't have time to rest, Anice. I need to find her. She'll be in danger."

"Zynon, tama si Anice. Paano mo siya maililigtas kung nanghihina ka?" sabi pa ni Luigi pero napailing lang siya at umayos ng tayo.


"No, we couldn't afford to waste time. You go find Gwen, I'll find Xhiena. Magkita-kita tayo sa dulo ng gubat."

"Zynon..."

Nilingon niya ako at nakita ko ang determinasyon sa mukha niya.

"I'll be alright, Anice. Mag-iingat kayong dalawa," sabi niya at tinalikuran na kami.

Wala kaming nagawa ni Luigi kung hindi ang panoorin na lang ang papalayo niyang likuran hanggang sa maglaho na siya sa dilim.

"Sana maging okay lang siya," mahinang sambit ko.

"May tiwala ako kay Zynon. Mahahanap niya si Xhiena," narinig kong sabi ni Luigi kaya napatingin ako sa kaniya, "Hanapin na natin si Gwen."

Napatango na lang ako at nagsimula kaming tumakbo ni Luigi papunta sa kabilang direksyon.

Sana mahanap mo si Xhiena, Zynon. Sana mabuo na tayong lima.

Xhiena's Point of View

Inangat ko ang tingin ko sa kanila at natigilan ako nang makitang isa sa kanila ay pamilyar.

"I can see that you could still remember me," nakangisi niyang sabi, "Pero, hindi nga pala ako nakapagpakilala sa'yo dati. Finnix is the name, Princess Kezia. Sana huwag mo iyong kakalimutan."

Ang kumikinang na diamond earring sa kanang tainga niya at ang maliit na buntot ng buhok na nakatali sa likuran ng maitim at bahagyang magulo niyang buhok. Siya iyon. Iyong rogue na nagtangkang pumunta sa Vampire High.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon