Chapter 34: Guts Versus Abilities
"Surprise attack?! Paano ko naman iyon gagawin?" kunot-noong sabi ko sa kaniya.
Napanganga na lang ako nang magkibit balikat siya, "Strategy mo na iyon, binigyan lang kita ng idea."
Mabilis na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Pinagloloko mo ba ako?!"
Napatawa naman siya dahil doon, "No, I don't. Ang gusto ko lang iparating ay dahil ikaw naman ang makikipaglaban, nasa sa iyo na iyon. You can watch her movements or attacks, at kapag may ipinakita siyang kahit na kaunting kahinaan, puwede mong ilabas sa mga oras na iyon ang surprise attack mo. Pero nasa sa iyon na iyon kung anuman ang matatawag mong ganun, dahil ikaw lang naman ang nakakakilala sa sarili mo. You are the only one who know your limits, your strengths and weaknesses."
"Tama siya, Xhiena. Ikaw lang ang nakakaalam, at ikaw lang ang makakagawa. Kailangan mong isipin, kung ano ang magsisilbi mong surprise attack or I must say, ano ang magiging alas mo." sabi rin ni Anice.
Dahil doon napaisip ako.
Alas. Ano nga ba ang magiging alas ko?
"Lalabas muna ako sandali, magpapahangin lang." biglang sabi ni Luigi saka napatayo at nagsimulang maglakad sa pintuan, "Babalik na lang ako kapag mag-uumpisa na ang duel. Good luck, Xhiena." sabi pa niya sa akin.
Napatango na lang ako sa kaniya.
Dalawang oras pa bago magsimula ang duel namin at siguro naman may maiisip na akong strategy sa mga oras na iyon. Kaya ko 'to!
Ano bang pwede kong gawin para matalo ang katulad ni Gwen?
Noong una ko siyang nakaharap, iyong nasa school forest kami, halatang magaling siya sa hand to hand combat, kahit na sa kahit na anong weapons parang sanay na sanay siya. Tapos noong ikalawang pagkakaharap namin, ang black dragon na special skill niya.
Iniisip ko pa lang iyon, parang gusto ko ng umatras.
Pero..hindi puwede! Kailangan kong magtraining. Kailangan ko pang maging malakas. Kailangan kong umusad, para mas ma-protektahan ko ang mga malapit sa akin.
Marahan kong naikuyom ang mga palad ko.
Ayoko ng maulit pa muli ang nangyari kay Aries. Ayoko ng maramdaman pa uli iyong pakiramdam na wala akong magawa.
"Xhiena.." nang marinig ko ang boses ni Anice ay nilingon ko siya," Sigurado akong makakaya mo 'to. Simula pa lang naman 'to, huwag kang mag-alala."
Napatango na lang ako at sinuklian siya ng ngiti, "Thank you, Anice. Basta gagawin ko ang lahat ng kaya ko. Kailangan kong manalo."
"May naisip ka na ba?"
"E-Eh? W-wala pa."
Nakita ko kung paano siya napanganga at napabuntong hininga.
Crap.
Wala pa rin akong maisip.
"Sige, ganito lang." sabi niya kaya bahagyang nagliwanag ang mukha ko, "Sasabihin ko sa'yo ang weakness ni Gwen."
"T-talaga?! Thank you talaga, Anice!" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"Ano ka ba? Okay lang iyon." nakangiting sabi niya. Ang bait talaga niya! "Si Gwen kapag nakikipaglaban siya, ang pinkaprino-protektahan niya ay ang mukha niya."
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Seryoso?
"I know it's weird. Pero sa mga matches o duel niya, walang kahit na anong galos o sugat ang mukha niya. Pwedeng meron sa braso, pero sa mukha." napailing siya at napangiwi naman ako, "Dahil doon, iyon ang masasabi mong weakpoint niya."
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
