Chapter 19: King ExodusPagkamulat na pagkamulat ng mata ko ay kaagad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga.
Napangiwi na lang ako dahil sa sakit mula sa mga natamo kong sugat.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong nasa gubat parin ako. Masakit parin ang mga sugat na natamo ko, pero mas maayos na ang pakiramdam ko kaysa kanina.
Tapos nakita ko si Zynon na nakatalikod mula sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.
Napayuko na lang ako at napaluha.
"Sorry, hindi ko na-protektahan si Airies. Sorry.." sabi ko at napatakip sa mukha ko. Nagsimula akong humikbi at sobrang naninikip ang dibdib ko. Napakahina ko.
Pero natigilan na lang ako nang marinig siyang magsalita.
"There's nothing we can do about it. " sabi niya, saka siya lumingon sa akin.
Doon ko nakita ang itsura ni Zynon. Hindi naman siya sugatan pero may mga gasgas siyang natamo. Halatang nahirapan siya sa mga nakalaban niya.
"Anong gagawin natin? Nasa kanila na si Airies. Paano kung patayin na siya?""She's the protagonist, she's not gonna die that easily." sabi pa niya.
Tapos napatingin siya sa binti ko na may sugat, nabalutan na 'yun ng tela at mukhang ganun din. Mukhang 'yung damit niya ang ginamit niya para doon dahil wala na rin siyang suot na pang-itaas.
"Zynon.."
"While you were unconscious, I've sucked the poison on your blood, so you can move now." sabi niya at nabigla naman ako dahil doon. Sinipsip niya 'yung lason?"I-ikaw? Ayos ka lang ba?"
"I'm alright," sagot niya at napatingala sa langit, "We've only got until dark. Malapit ng maubos ang mga bungahin sa hour glass and before that, dapat makalabas na tayo rito."
"Pero paano si Airies? Kailangan natin siyang tulungan, Zynon." sabi ko.
Tinignan niya ako.
"She's already on the hands of the king. What more we can do? And we need to get out of here now."
Dahan-dahan akong napatayo at tinignan ko siya na parang hindi makapaniwala.
"Ganun na lang ba 'yun, Zynon? Pababayaan na lang natin si Airies? Aren't we supposed to be her parents? Aren't we supposed to protect her?!"
Tinignan niya lang ako kaya iniwas ko na lang ang mata ko sa kaniya. Sobrang lamig ng mga mata niya. Hindi ko alam, pero nasasaktan ako sa mga matang 'yun. Akala ko, nag-aalala rin siya kay Airies? Akala ko, may pakialam din siya kay Airies? Pero anong sinasabi niya?!
Napahinga na lang ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko.
"Kung gusto mo ng bumalik. Bumalik ka na. Yes, we already finished our mission. Pero ililigtas ko at tutulungan ko si Airies, kahit anong mangyari." matigas na sabi ko at paika-ikang nagsimulang maglakad.
Napakapit na lang ako sa trunk ng puno. Kailangan ko ang vines na latigong 'yun para mailigtas si Airies.
Hanggang sa unti-unti ko na ngang naramdaman uli ang pagliwanag ng mga mata ko kasabay ng paglabas ng mga vines na 'yun sa palad ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/65766424-288-k987323.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...