Chapter 52: Chased by Darkness

17.7K 720 52
                                    

Chapter 52: Chased by Darkness


Hindi ko maintindihan ang itsura ng kinaroroonan naming lahat ngayon. Pagkatapos akong salubungin ng mga matatalim nilang mata kanina, ay nag-iwas din sila kaagad na parang walang nangyari.

Ni dulo rin ng buhok nila Anice ay hindi ko pa nakikita. Pero base sa pagpapakilala sa akin kanina nang makarating ako ay ako na ang panghuli kaya, baka nandito na rin sila. Pero dahil sa napakaraming bampira ang nadirito ay hindi ko sila mahanap. Ang iba ay parang mga normal lang na mamamayan ng mundong ito, at ang iba ay may mga nakaka-intimidate talagang mga aura na isang pagkakamali mo lang ay pakiramdam ko, babagsak ka sa sahig na wala ng buhay. Tama nga ang sabi ni Mister Rem, ang daming kalahok. Pero ang matitirang sampung grupo lang ang magiging official na contestant.

Ano bang puwedeng gawin para makita ko sila kaagad sa ganitong sitwasyon?

Inilibot kong muli ang tingin ko sa paligid. Para kaming nasa loob ng isang kahon. Ang dingding ay puro gawa sa metal at mataas din ang kisame kung saang may mga malalaking ceiling fan ang umaandar. May mga ilaw rin sa bawat parte ng kwarto pero ang nakakapagtaka walang pintuan.

Ni hindi ko na nakita uli iyong pintuan kung saan ako lumabas kanina.

Ito na ba talaga ang arena? Pero bakit parang ang sikip?

Ang inaakala ko kasi ay parang iyong pabilog na lugar kung saan naglalaban iyong mga gladiators noong unang panahon, iyon ang iniisip ko na magiging itsura.

Napabuntong hininga na lang ako hanggang sa makarinig kami ng high pitched sound na bumulabog sa isang malaking speaker na nasa kwartong iyon.

Lahat kami ay napatakip ng tainga dahil sa tinis ng tunog.

Nang humupa iyon ay sumunod ang isang malutong na halakhak ng isang babae.

"You all look pathetic, huh?"

Natigilan kaming lahat.

Totoong boses na iyon ng isang babae at hindi isang mechanical voice tulad ng kanina.

"Maybe you are wondering if you came into the right place. Huwag kayong mag-alala, dahil nasa tamang lugar kayo. You are in the Venour Tournament," at muli siyang humalakhak na parang nasisiraan ng bait. Kita ko ang bakas ng pagkairita sa mukha ng iba.

"But as you can see, hindi ninyo makikita ang mga kagrupo ninyo, for now."

Napatigil ako at napakunot ng noo. Ang sabi ni Mister Rem ay magiging by group ang first stage pero anong sinasabi niya?

"Oh, so maybe some of you are shocked on what I just said. But sadly, you're not hearing things wrong. As what I've said, the first stage starts on your own. The rules had changed, so the game itself also changed."

Sa mga huling linyang sinabi niya ay nag-iba ang tono niya kaya naman naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko.

"Okay! I'll be saying the rules of the tournament," pakantang sabi niya na ikinamura ng ilan dahil parang biro lang ang lahat ng sinasabi niya, na parang hindi nakataya ang buhay namin dito.

Kahit ako ay biglang natapyasan ang ilang pag-asa ko. Lahat ng plinano namin, biglang naglaho na parang bula. Pero binalaan na rin kami ni Mister Rem ukol dito.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon