Chapter 38: The Bargain
Akala ko, matatapos na ang gabi doon, pero hindi pa pala. Dahil ngayon, may panibago nanamang nangyayaring hindi ko inaasahan.
"Kilala mo ang dalawang ito?!" tanong sa akin ni Luigi kaya alangan akong napatango habang nakatingin parin kila Perk at Funter na walang malay.
"B-bakit sila nandito?"
"Gaya nga ng sabi ko, nasundan nila tayo."
"H-ha?! Pero, hindi ba—"
"Iyon din ang hindi ko maintindihan. Baka humina ang barrier ni Zynon na nakalagay sa gubat sa North Wing, kaya sila hindi naapektuhan ng mga illusions," sabi niya kaya natigilan ako.
Barrier ni Zynon? Illusions? Iyon ba iyong mga naramdaman ko nang una akong pumunta dito sa North Wing?
Nabalik na lang ako ulit sa kasalukuyan nang magsalita muli si Luigi.
"Kailangan silang parusahan. Labag sa rules ang pagpunta ng mga estudyante rito," narinig ko na ang inis sa boses niya kaya agad ko siyang inawat, lalo na't may nakikita akong parang tinik ng halaman na bumabalot sa mga braso niya.
"Te-teka, Luigi! Huwag mo silang parusahan. Wala naman silang ginagawang masama, eh."
"Anong sabi mo?" kunot noong tanong niya sa'kin, "Nilabag nila ang rules, kaya nararapat lang na parusahan sila, hindi ba?"
"Pero kasi.." napabuntong hininga ako saka nagpatuloy, "Ganito lang, hintayin na lang muna natin silang magkamalay tapos tanungin natin sila kung anong rason nila kung bakit nila tayo sinundan," suhestiyon ko pero mas nagsalubong lang ang kilay niya.
Napabuga na lang ako ng hangin, "Pakiusap."
"Damn. Sa ginagawa mo, sa kalaunan ay malalaman ng lahat ng estudyante ang tungkol sa club, Xhiena."
Napangiti na lang ako, "Huwag kang mag-alala, kilala ko naman silang dalawa at mapagkakatiwalaan sila. Sisiguraduhin kong hindi nila ipagsasabi kung anuman ang mga nakita nila," sabi ko pero nakita ko parin siya nag-aalangan, "Pangako!"
Napabuntong hininga na lang siya saka napatango-tango, "Oh sige, ilipat muna natin sila sa kwarto ko hanggang sa magising sila."
"Thank you talaga, Luigi!" lumapad ang ngiti ko kaya napailing-iling na lang siya.
"Basta ba ikaw ang mananagot kapag pinagalitan tayo."
Napangisi na lang ako at sinimulan na namin silang ilipat sa kuwarto niya.
Nang mailipat na namin sila ng maayos ay pinanood ko lang sila habang walang malay. Dahil maski ako ay nagtataka kung bakit at paano nila kami nasundan.
"Alam mo naman siguro ang magiging kalalabasan kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa atin, hindi ba, Xhiena?" tanong ni Luigi kaya nilingon ko siya.
Nakaupo siya doon sa sahig at nakasandal sa pintuan.
Marahan akong napahinga ng malalim saka tumango, "Alam ko iyon. Ayoko lang sanang may masaktan, at isa pa, paano kung..alam pala nila ang tungkol sa atin."
Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya, "Imposible iyon, depende na lang kung ang main special ability nila ay ang mind readi—"
Pareho kaming natigilan saka napatingin sa dalawa na nagsisimula ng magkamalay.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampirosXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
