Chapter 29: Meeting the Phantoms"Ano ng gagawin natin?" narinig ko ang pagpapanic na sabi ng iba.
"Masama ang kutob ko rito. Hindi ba't nangyari na ito last year tapos may hindi magandang nangyari?! Ayoko ng maulit iyon! I wanna go home!" paiyak na sabi ng babaeng malapit sa akin.
Napabuntong hininga naman ako. Maski ako hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Halos magi-isang oras na rin kasing patay ang ilaw. Ang akala namin, ilang minuto lang iyon magtatagal. Ang nakakapagtaka rin, kahit nag-try kaming lahat na gumawa ng liwanag, kagaya ng pagsindi ng kandila ay hindi gumagana, para bang may pumipigil sa liwanag.
At isa pa, ano iyong sinasabi nilang masamang nangyari last year?
Dahil isa akong transferee hindi ako maka-relate.
Halos mapatalon kaming lahat sa gulat nang marinig namin ang nakakabinging tunog mula sa speaker na nakakabit sa kahit na saang parte ng school, ginagamit din iyon palagi para sa mga announcements.
Nakakapagtaka lang na gumagana ang mga speakers. Ibig sabihin, gumagana ang mga kuryente. Pero bakit walang ilaw?
"Good evening, students." kaagad naming nakilala ang boses ni Professor George, at kahit papaano ay nakahinga kami ng maluwag, "I know what just happened is a lot of unconveniece for you, but I want you all to stay calm and will immediately fix the problem. Just go back to your respected rooms and patiently wait until everything went back to normal."
Natapos ang announcement pero nanatili lang kami sa mga pwesto namin sa hallway.
Napahinga ako ng malalim at naglakad uli palapit sa bintana.
Fudge, ano bang nangyayari?
Para naman akong natulos sa kinatatayuan ko nang may mapansin ako. Napalaki ang mata ko habang hindi makapaniwala sa nakikita ko. What the?! Halos manindig ang balahibo ko.
Sa gitna ng kadiliman, may isang maliit na ilaw akong nakikita sa gitna ng kagubatan, at alam ko kung ano iyon.
Iyon 'yung tree house kung nasaan si Dober!
Naikuyom ko na lang ang mga palad ko habang nakatitig sa direksyon ng tree house. Paano nangyari iyon?
Mabilis akong dumiretso sa elevator. Narinig ko pa yung iba na nagtatanong kung saan ako papunta pero hindi ko na sila pinansin.
Kailangan kong malaman kung ano ba talagang nangyayari, at isa pa kung gumagana ang mga speaker, ibig sabihin-
Ting.
Napangiti na lang ako nang bumukas ang elevator. Kahit madilim ay kaagad akong pumasok doon.
Nang makarating na ako sa main floor ng Dormitories ay walang anu-ano na akong tumakbo palabas, papunta sa gubat.
Ramdam ko ang panunuot ng malakas at malamig na hangin sa balat ko habang mabilis akong tumatakbo. Binalewala ko ang mga malalaking ugat na humaharang sa dinadaanan ko.
Kailangan kong makausap si Dober.
Nang makita ko na nga ang tree house ay hinihingal akong napatigil at napatingala doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/65766424-288-k987323.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...