Chapter 21: Fallen
Naluluha siyang napatingin sa amin ni Zynon."M-mama! Papa!" sigaw niya at nakita ko kung paano nagliwanag ang gintong espada na hawak niya na siyang pumatay sa hari at naging kwintas ito.
Ang kwintas niya, isa pala iyong espada.
"Mama! Papa!" sigaw niya uli at nagsimulang tumakbo sa amin.
Napangiti na lang kaniya pero natigilan kami nang biglang may malaki nanamang barrier ang humarang sa kaniya.
"A-Airies.." tawag ko at nagsimula akong kabahan.
Nakita kong unti-unting tumayo ang hari at mahinang napahalakhak.
"Y-You can never kill me.."
Napalaki ang mata ko at tumingin kay Airies.
"Airies!!" sigaw ko.
Lumingon si Airies sa hari kasabay ng pagbulusok ng dagger at tumama ito sa dibdib niya.
Nakita ko kung paano siya napasuka ng dugo at para akong natulos sa kinaroroonan ko.
Napahalakhak si Haring Exodus, "Ku-kung mamamatay ako, isusunod din kita." sabi niya at dahan-dahang may lumabas sa bibig niya na usok.
Iyong usok na may lason.
Saka muling bumagsak si Haring Exodus at tuluyan ng binawian ng buhay, pero iyong usok at iyong barrier nandoon parin.
"Airies! Aries!!" sigaw ko at agad na lumapit sa barrier, pinaghahampas ko iyon ng mga nanghihina kong kamay pero wala iyong nagawa.
Bakit ayaw mawala ng barrier?! Bakit?!
Narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura ni Zynon at nagsimula na rin siyang suntukin ang barrier kahit nanghihina.
"Aries! Aries!!" tawag ko uli sa kaniya habang nagsisipatakan na ang mga luha ko, "Huwag kang mag-alala, okay? Takpan mo ang ilong mo! Takpan mo ang ilong mo, baby! Ililigtas ka ni mama at papa, okay?"
Nakita ko ng napapaubo si Airies sa loob ng barrier kaya mas nilakasan ko pa ang pagsuntok at pagwasak sa barrier pero wala paring nangyayari.
"Damn it! Hindi ito mawawasak. Mawawasak lang ito, kapag namatay na si Airies," napalingon ako kay Zynon dahil sa sinabi niya.
Nagsimulang manginig ang mga kamay ko at napatingin uli sa loob ng barrier, "A-Aries!"
Walang tigil na ang pagpatak ng mga luha ko habang nakasandal sa barrier si Airies at pahina na ng pahina.
"Hindi pwede! Hindi pwede!!" sigaw ko at napahagulgol na, "Airies! Huwag mong ipipikit ang mga mata mo. Tumingin ka kay mama, please!" pakiusap ko at dahan-dahan siyang tumingin sa akin.
Inilapat niya ang palad niya sa barrier at ganun din ako. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi niya na mas nagpadurog sa puso ko.
"M-mama.."
Ikinuyom ko na lang ang mga palad ko. Wala akong magawa. Bakit wala akong magawa?!
"Z-Zynon, si A-Airies..a-anong gagawin natin?" binalingan ko si Zynon at sa unang beses nakita ko ang pinaghalong galit at lungkot sa mukha niya. Nanginginig ang mga nakakuyom niyang kamao sa barrier habang nagtatagis ang panga niya, "Z-Zynon.."
Wala kami parehong magawa. Bakit?! Ramdam ko na rin ang panghihina at ang sakit ng katawan ko.
"Airies..Airies.." paulit-ulit na tawag ko sa kaniya, "Huwag mong ipipikit ang mata mo, tumingin ka lang sa akin. Huwag mong iiwan si mama, ah. Promise, dito lang ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/65766424-288-k987323.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire High
UpířiXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...