Chapter 3 New Bestfriend
Ronmart June Garcia Pov.
"Grabi, ganito pala ka gulo yung School na pinasukan ko, parang ngayon lang sila nakakita ng tao, nakakapanibago naman" sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko yung mga taong nakapalibot sa aming anim.
Hindi kasi ako nakapag aral mula kindergarten hanggang High School, Sa Nursery School lang talaga ako nagsimulang pumasok ng School pagkatapos nun ay wala na pero palaging nagha-hire yung mga magulang ko ng mga Private Tutor para maturuan ako na hindi pumapasok sa School kaya wala pa akong alam tungkol sa mga ganitong pangyayari.
"Oh tol, okay ka lang ba?" tanong ng isa kong kasama sa akin. Jof ata yung pangalan nya.
"Oo tol, ganito ba talaga kagulo yung School natin?, para kasing---" hindi pa ako tapos magsalita ay inakbayan ako ng isa ko pang kasama.
"Okay lang yan pre, masasanay ka rin yan sa kanila, sa una pa lang yan pero sa huli hindi ka na maninibago"
"Tama si Jp, nakasanayan na namin yan mula first year hanggang ngayon kaya baliwala na yan sa amin."
"Ah ganun ba, salamat John", buti na lang at may bago na akong kaibigan, sa totoo lang unsocialized person kasi ako eh, medyo naiilang pa ako pagkasama ko sila. Pero okay na rin yun kaysa wala akong kakilala dito sa School na pinasukan ko.
Ewan ko ba kung bakit nakilala ko sila kaagad, sa totoo lang pagkapasok ko pa lang sa gate ay pinagmamasdan na ka agad ako ng mga estudyante na nasa paligid ko, grabi nakakatakot. Pagpasok ko sa Classroom ko ay pinakilala ka agad ako ng teacher namin sa mga classmate ko.
"Class, this is your new Classmate, Mr. Ronmart June Garcia, and etc....blah blah blah! ayaw ko nang sabihin kasi nakakailang pakinggan eh."
Pagka upo ko sa upuan ko ay may tumawag sa akin mula sa likod ko. Ewan ko ba kung sino pero nilingon ko.
"Tol, pagkatapos nito sumama ka sa amin ha:)" sabay ngiti sa akin.
"Bakit naman at sino ka para sumama ako?" tanong ko, medyo ang suplado ko >_<
"Basta sumama ka na lang"
At pagkatapos nga ng klase ay sumama nga ako sa kanya, pinakilala nya ako sa mga kaibigan niya.
"Tol Jof pala" ini offer nya yung kamay nya para bang nag-ayaya siyang makipag-shake hand sa akin. Pagkatapos kong makipag shake hand sa kanya ay pinakilala nya naman ako sa iba nyang kaibigan.
"Eto naman si Jp, John, Ian at Christian" isa-isa nyang tinuro yung mga kaibigan nya.
"Pre kamusta ka?!" binangga niya yung balikat nya sa balikat ko, parang sign daw ng pagkakaibigan namin. Ang weird naman nila, pero ang sakit nun ha.
"Kami na ngayon yung bagong kaibigan mo, okay lang ba sa'yo?"
"Okay lang" yan lang yung nasabi ko, alangan naman na mag Nice To Meet You ako sa kanila. I'ts so gay!...At ayun doon nagsimula yung pagkakaibigan namin.
Sharie Faye Pov:
Kriiiiiiing!!! tumunog na yung bell, ibig sabihin tapos na yung klase namin. Nag impaki na ako ng gamit ko at nag pa alam na ako sa iba kong kaklase. Lunch break na, pupunta na sana ako sa karenderya para kumain, pero napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin mula sa likod.
"Sharie, gusto mo bang sumabay sa amin?"
"Naku, hwag na nakakahiya naman sa inyo." Sa totoo lang, ayaw ko naman talaga sumama, isa sa mga dahilan ko ay; Mayaman sila, sosyal yung pamumuhay nila at kilala yung pangalan nila sa School Campus namin.
Yung nag imbita sa akin ay si Mhia, sa pagkaka alam ko, yung father nya ay isang Business Man, sila daw yung may ari ng 5 star Restaurant dito malapit daw sa school namin na hanggang ngayon hindi ko alam kung saan.Hanggang karenderya lang kasi ako eh :(
"Sige na, Please! gustong gusto kasi kita maging Bestfriend eh" habang naka Puppy Eye s'ya sa akin.
"Ha? bakit naman?" O_O
Oh my God, Si Mhia, isa sa sikat at mayaman kong kaklase dito sa school Campus namin, gusto akong maging kaibigan niya? Nananaginip ba ako, paki sampal nga ako para matauhan na.
"Bakit ayaw mo ba??"
"Gusto ko, pero bakit?" napaka innocente ko naman magsalita...hahahaXD
"Kasi mabait ka, isa ka sa pinakamatalino sa kaklase natin, at hindi ka plastic na kaibigan. Alam ko nabigla ka sa sinabi ko pero seryoso ako na gusto kita maging kaibigan, sana pagbigyan mo na ako, Pleeeaaseee".
"Sige :)", wala na akong magagawa, minsan lang naman ako magkabestfriend na babae, di katulad ni Erick, bestfriend mo nga kaso nakaka inis naman minsan.
"Talaga? walang bawian ha, Pinky Swear?" pinakita nya yung daliri nya na parang gusto na makipagpinky swear sa akin. Alam nyo na parang promise? yun!!!
"Pinky Swear" at naging bestfriend ko na nga sya. Ang saya-saya nya nga eh, pati na rin ako :)
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...