Chapter 32 I Wonder
Isa isa na kaming pumasok sa loob, pero parang hindi ko gusto yung pwesto ng pagkakaupo namin. Good for Six people kasi yung kotse ni Mhia, kaya sakto naman yung bilang namin, kasama na yung driver kaya anim kami lahat.
Dalawa sa unahan, dalawa sa gitna at dalawa sa likod. Magkasama si Mhia at tsaka si Erick sa gitna. Si Ronmart naman at si Sharmaine ang nasa likod habang ako naman syempre magkatabi kami ng Driver.
“Ba’t ako andito sa unahan? Dapat magkatabi kami ni Ronmart. Nakakapanlumo naman.” Sabi ko sa sarili ko. Naghaharutan sina Mhia at Erick, ang sweet nga nila tingnan. Si Ronmart naman, masayang nag-uusap sila ni Sharmaine. At ako naman tahimik lang habang pinapanood silang apat.
Ang nakakapagtaka lang naman, ngayon lang nagkakilala si Sharmaine at tsaka si Ronmart pero ang turingan nila parang magkakilala na ng matagal. Medyo naiinis ako hindi dahil sa samahan nilang dalawa kundi sa hindi siya ganun sa’kin kahit matagal na kaming magkasama sa iisang bahay.
Nang makarating na kami, nauna nang pumasok si Mhia at binagbuksan siya ni Erick ng pintuan. Si Ronmart naman, sabay silang dalawa pumasok habang masaya silang nag-uusap ni Sharmaine. At syempre ganun pa rin, ako yung huli at parang na O-OP na sa kanila.
Nakakainis talaga ang araw na’to, at medyo nalulungkot din. Kasama ko ngayon si Ronmart sa kotse at papauwi na. Habang nasa byahe kami, tahimik lang kaming dalawa. Bigla nagring yung phone niya at agad niya naman itong sinagot.
“Hello? Oh Sharmaine nakauwi ka na ba? Nasa byahe kami ngayon ng kaibigan mo pauwi.” Ba’t di niya sinabi yung pangalan ko imbis na kaibigan yung sinabi niya. “Okay naman, eku-kwento ko na lang sa’yo mamaya pagkadating ko ng bahay, Okay lang ba? Sige ba-bye”. At binaba niya na yung Phone at ngumiti siya.
“Parang ang ganda yata yung pinag-usapan niyo ha, pwedeng pa-share?” sarcastic na sabi ko sa kanya.
“Bakit ko naman sasabihin sa’yo? Close ba tayo?”
“Bakit hindi ba?”
“Hindi”, Grabi talaga ‘tong lalaki na ‘to. Ang tagal tagal na namin magkasama, sa bahay pati na rin sa eskwela pero hanggang ngayon hindi pa rin kami Close? Ako na nga yung lumalapit sa kanya para maging close kami pero siya naman yung lumalayo.
“Magkakilala na ba kayo ni Sharmaine?”
“Hindi.” Ang tipid niya namang sumagot.
“Ba’t parang ang close niyo nang dalawa?”
“Bakit? Masama ba?”
“Hindi”
“Eh yun naman pala.” At bumalik na kami sa pagiging tahimik. Arrrrgh!!! Nakakainis naman! Wala pang isang araw, Close na sila kaagad samantalang kami, magdadalawang buwan na kong namamalagi sa kanya bilang guardian niya pero hanggang ngayon ganun pa rin kami.

BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...